Elektrisidad at linya ng komunikasyon problema sa Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,582 total reads

Suliranin pa rin ang linya ng elektrisidad at komunikasyon sa lalawigan ng Bohol mahigit isang buwan na matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay Sr. Mariam Dungog, SEMS ng Diocese ng Talibon, sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa mga poste ng kuryente at mga cellular sites sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Sr. Mariam na sarado pa rin ang mga bangko at ilang mga pamilihan sa Diyosesis na nakakasakop sa hilagang bahagi ng lalawigan habang ilang mga establisyemento lamang ang mayroon nang elektrisidad.

“‘Yun signal po smart lang po ang pwede ma-contact as of now. ‘Yun mga bangko wala pa rin, hindi pa lahat ay may ilaw na. ‘Yung mga big establishments lang po gaya ng mga ospital, school, ‘yun simbahan. ‘Yung mga ordinaryong bahay wala pa po,” pahayag ng Madre sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas.

Aminado si Sr. Mariam na malaki pa rin ang pangangailangan ng mga residente partikular na sa mga basic food supplies.

“‘Yung relief po madami pa rin ang parishes na hindi nabigyan, nag-divide lang kami sa mga parishes na talagang may nangangailangan sa lugar nila. Relief goods po kulang pa rin talaga.”

Maliban dito, problema rin ngayon ang rehabilitasyon ng nasirang bahay ng mga residente kaya’t nananawagan sila ng patuloy na tulong.

“Ang kailangan po rito ngayon G.I sheets at plywoods para sa mga residente po na nasira ang bahay,” dagdag pa ni Sr. Mariam.

Magugunitang isa ang lalawigan ng Bohol sa pinaka napinsala ng bagyong Odette noong Disyembre ng taong 2021.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng lalawigan umabot sa 26,000 pamilya ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyo.

Una nang nagpadala ng tulong ang Caritas Manila at iba pang mga organisasyon ng Simbahang Katolika para sa mga naapektuhan sa Diocese ng Talibon at Diocese ng Tagbilaran na kapwa nakakasakop sa lalawigan ng Bohol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,852 total reads

 10,852 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,991 total reads

 109,991 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,261 total reads

 154,261 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,372 total reads

 177,372 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,804 total reads

 251,804 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,996 total reads

 109,996 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top