Elevation ng Calapan bilang bagong Diocese, tinawag ng Papal Nuncio na “great celebration”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,899 total reads

Inilarawan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown bilang isang “great celebration” ang kanyang pagdalo sa makasaysayang paglikha sa Calapan bilang bagong Diyosesis sa Oriental Mindoro.

Sa kanyang Pastoral Visit on the Air sa Radyo Veritas, ibinahagi ni Archbishop Brown ang kanyang karanasan sa pagdalo sa seremonya noong Agosto 6, 2026 kung saan itinaas ang dating Apostolic Vicariate of Calapan bilang ganap na diyosesis.

“Last week I was in the wonderful place of Oriental Mindoro, in Calapan, for the elevation or the creation of the diocese,” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Nagpasalamat din siya sa mga taga-Calapan sa mainit na pagtanggap sa kanya sa naturang pagdiriwang.

“Great celebration! Thank you, everybody in Calapan, for the wonderful welcome,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ang Calapan ang ikalawang bagong diyosesis na nilikha ng Santo Papa mula nang maging Apostolic Nuncio sa Pilipinas si Archbishop Brown, kasunod ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur.

Ipinaliwanag ni Archbishop Brown na ang Apostolic Vicariate ay karaniwang itinatatag sa mga lugar kung saan patuloy pang pinauunlad ang pagpapalaganap ng pananampalataya at misyon ng Simbahan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Dicastery for Evangelization.

Pagbabahagi ng Arsobispo, kapag dumating na sa puntong handa na ang isang vicariate na maging ganap na diyosesis, inililipat ang pangangasiwa nito sa Dicastery for Bishops.

“When the church begins in a certain place and the evangelization is beginning, the church usually establishes an Apostolic Vicariate. It’s not a diocese, and it’s administered by the Dicastery for Evangelization,” Paliwanag ni Archbishop.

Gayunman, binigyang-diin ng Apostolic Nuncio na kapwa ang Apostolic Vicariate at diyosesis ay bahagi ng bayan ng Diyos na pinamumunuan ng isang Obispo.

“In the eyes of God, there’s probably not a huge difference. But in terms of our administration, there is a big difference,” Ani Archbishop Brown.

Ayon sa Arsobispo, dumaan sa proseso ng konsultasyon ang pagtataas sa Calapan, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa lokal na Obispo at paghingi ng pananaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, bago ito dinala sa Roma para sa pinal na pagpapasya ng Santo Papa.

Samantala, nakatakda ring magtungo si Archbishop Brown sa Diyosesis ng Bacolod upang dumalo sa installation ng bagong Obispo nito na si Bishop Louie Galbines.

Hinimok naman ng Apostolic Nuncio ang mga taga-Bacolod na makiisa sa pagdiriwang at salubungin ang kanilang bagong pastol sa gagawing installation sa August 11, 2026 sa San Sebastian Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,153 total reads

 19,153 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,513 total reads

 42,513 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,014 total reads

 79,014 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,638 total reads

 299,638 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,205 total reads

 333,205 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top