Embarkation at disembarkstion, higit pang patatagin ng Stella Maris international

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,467 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kasapi ng International Stella Maris Network na higit pang patatagin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa mga mandaragat, mangingisda, migranteng manggagawa, at kanilang mga pamilya bilang kongkretong pagpapakita ng misyon ng Simbahan sa mga taong malalayo sa kanilang tahanan.

Sa kanyang talumpati sa Scalabrinian International Stella Maris Network na ginanap sa São Paulo, Brazil noong July 20 hanggang 23, sinabi ng obispo na nagsisilbi ring CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines na nananatiling matatag ang paninindigan ng ministeryo sa kabila ng mga hamon sa paglilingkod sa maritime sector.

“Our resolve remains firm: to be present, to listen, to serve, and to protect,” ayon kay Bishop Santos.

Paliwanag ng obispo na bagama’t kinahaharap ng Stella Maris ang kakulangan sa mga mapagkukunan, limitasyon sa pagpasok sa mga pantalan, at iba pang hadlang sa pastoral na pangangalaga sa mga barko, patuloy itong umaangkop upang matiyak na walang mga seafarers ang mapapabayaang walang suporta.

Ibinahagi rin ni Bishop Santos ang lawak ng paglilingkod ng Stella Maris-Philippines, na nagsimula noong 1958 at ngayo’y naglilingkod na sa 16 pangunahing pantalan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa pamamagitan ng mga seafarers’ centers, chapels, at drop-in hubs, patuloy nitong pinaglilingkuran ang mga seafarer, mangingisda, port workers, maritime students, at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pastoral care, counseling, ship at hospital visitations, legal referrals, humanitarian assistance, at iba pang mga programa.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkakakilanlan ng Stella Maris ay hindi lamang nakasalalay sa mga serbisyong ibinibigay kundi maging sa diwa ng pakikipagkaisa sa misyon ng Simbahan.
“This is who we are: People who embark in communion, connection, and collaboration and who disembark as signs of hope, guiding stars, and ladders to God,” aniya.

Ayon kay Bishop Santos, ang “embarkation” ay sumasagisag sa pakikipagkaisa sa Simbahan sa pamamagitan ng komunyon, koneksyon, at kolaborasyon, habang ang “disembarkation” ay ang aktuwal na paglapit sa mga tao bilang mga tanda ng pag-asa, gabay tungo kay Kristo, at tulay upang maabot ang mas mabuting kinabukasan.

Hinimok din ng opisyal ang mga kasapi ng Stella Maris na higit pang pagtibayin ang sama-samang paglilingkod sa halip na magkaroon ng kompetisyon sa loob ng Simbahan.

“Within the Church, we are not competitors but collaborators; not strangers but brothers and sisters, united in one mission of charity and justice,” giit ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang magkakatuwang na pagkilos ng iba’t ibang diyosesis, kongregasyon, at organisasyon ay mahalaga upang higit pang mapangalagaan ang dignidad, karapatan, at kapakanan ng mga taong nabubuhay at nagtatrabaho sa dagat.

Tiniyak ng obispo ang patuloy na pakikiisa ng Stella Maris-Philippines sa pandaigdigang misyon ng ministeryo para sa mga migranteng manggagawa at mga seafarer.

“Please be assured of our cooperation, our commitment to migrants and seafarers, and our compassion for all who journey far from home,” ayon kay Bishop Santos.

Ang pagtitipon ng Scalabrinian International Stella Maris Network ay dinaluhan ng mga obispo, pari, relihiyoso, at mga katuwang sa pastoral ministry mula sa iba’t ibang bansa upang palakasin ang pandaigdigang pagkakaisa sa paglilingkod sa mga seafarers, mangingisda, migrante, at iba pang nasa sektor ng maritime.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,703 total reads

 6,703 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,504 total reads

 60,504 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,869 total reads

 145,869 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,606 total reads

 192,606 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,477 total reads

 240,477 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,439 total reads

 341,439 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top