Escudero, nanawagan sa mamamayan na ipagdasal ang mga guro

SHARE THE TRUTH

 3,146 total views

Hiniling ni Senator Francis Escudero sa mamamayan na ipanalangin ang mga guro na katuwang sa paghuhubog ng kabataan at pamayanan.

Ito ang mensahe ng mambabatas sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day at National Teacher’s Day nitong October 5.

Batid ni Escudero ang sakripisyo ng mga guro sa paghubog sa mga kabataan sa kabila ng balakid at hamon na kinakaharap sa sektor ng edukasyon sa kasalukuyan.

“Atin pong ipagdasal ang ating mga guro sapagka’t hindi biro ang landas na patuloy nilang tinatahak sa pagtuturo at paggabay sa ating mga kabataan.” bahagi ng pahayag ni Escudero.

Ibinahagi ng mambabatas na ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon kundi isang misyon lalo’t maraming hamon ang pinagtatagumpayan upang maihatid sa kabataan ang dekalidad na edukasyon.

“We salute our teachers for their selfless service to the country and for their commitment to impart knowledge to our students. Next to our parents and our families, they were among the first to influence and mold us into what we are today.” giit ng mambabatas.

Itinalaga ng Department of Education ang tema ng National Teachers’ Month at World Teacher’s Day sa ‘Together4Teachers’ bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga guro sa lipunan.

Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers sa mga mambabatas na dinggin ang nakabinbing 58 panukalang batas para sa pagtataas ng sahod sa mga guro sa pribado at pampublikong paaralan lalo’t naranasan sa bansa ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang nanatiling mababa sa living wage ang sahod ng mga guro.

Dahil dito tiniyak ni Escudero ang pakikiisa sa mga guro sa anumang hakbang na magpapaunlad sa kanilang hanay.

“Sa ating minamahal na mga guro, as your Chairman of the Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, rest assured that I will be your ally in advancing the country’s educational system to produce world–class students that are at par with their overseas counterparts.” ani Escudero.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,191 total views

 14,191 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,711 total views

 31,711 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,287 total views

 85,287 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,528 total views

 102,528 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,017 total views

 117,017 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,639 total views

 21,639 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,103 total views

 26,103 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top