M4GG, hinamon ang mga mambabatas na suriing mabuti ang 2024 national budget

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,289 total reads

Nananawagan sa mga mambabatas sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Mayors for Good Governance (M4GG) na maging mapanuri at maingat sa pagbabalangkas ng 2024 National Budget.

Ayon sa M4GG, nararapat na tutukan ang mga programang tunay na makatutulong sa mga batayang sektor ng lipunan.

Partikular na tinukoy ng Mayors for Good Governance (M4GG) ang pagtutok sa kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, at mamimili, gayundin para sa iba pang mga programa para sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.

“Kami ay nananawagan sa mga mambabatas sa Kongreso at Senado na maging mas mabusisi at maingat sa pagbalangkas ng national budget. Idirekta ang unnecessary expenditures sa mga programang makatutulong sa mga maliliit na bayan, sa mga magsasaka’t mangingisda, sa mga konsyumer, at sa iba pang mga programa na mangangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.” Ang bahagi ng pahayag ng Mayors for Good Governance (M4GG).

Ipinaliwanag ng M4GG na dapat maging tapat, matalino at responsable ang mga lider ng pamahalaan sa paggastos ng pera ng bayan upang maiwasan na rin na umasa sa pangungutang sa ibang mga bansa lalo na’t kasalukuyan ng umaabot sa 14-na trilyong piso ang utang ng bansa.

“Nananawagan din tayo sa mga lider ng ating pamahalaan na maging mas responsable at tapat sa paggastos ng pera ng taumbayan. Ngayong higit 14 trilyong piso na ang utang ng ating bansa, mas kinakailangang bigyang pansin ito at gamitin ang natitirang pera ng bayan nang maiwasan nang umasa sa pangungutang.” Ayon pa sa M4GG.

Iginiit ng grupo na dapat gastusin ang pera ng bayan para sa kapakanan ng taumbayan kung saan magsisimula sa matapat na pagbabalangkas ang pambansang pondo ang tapat na pamamahala sa bansa.

Ang Mayors for Good Governance (M4GG), na binubuo ng 157 alkalde mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Pilipinas, ay mahigpit na sumusubaybay sa kasalukuyang deliberasyon para sa 2024 National Budget.

Pinangungunahan ang M4GG ng mga convenors nito na sina Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong, Isabela de Basilan Mayor Sitti Turabin Hataman, Dumaguete City Mayor Felipe Antonio “Ipe” Remollo, Municipality of Kauswagan Mayor Rommel Arnado at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 20,822 total reads

 20,822 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 72,542 total reads

 72,542 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 120,413 total reads

 120,413 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 224,361 total reads

 224,361 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 309,361 total reads

 309,361 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top