Panagutin ang mga responsable sa pagkamatay ng 3-Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,272 total reads

Hinimok ng mga mambabatas ang awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa nangyaring pananagasa ng dayuhang barko sa mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Senator Jinggoy Estrada nawa’y mabigyang katarungan ang mga biktima lalo’t tatlo ang nasawi.
“The authorities must conduct a comprehensive and unbiased investigation to ascertain the true circumstances surrounding this tragic event,” ayon sa pahayag ni Estrada.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nangyari ang pananagasa 4:30 ng madaling araw nitong October 2 habang naghahanda ang grupo sa pangingisda sa karagatang malapit sa Bajo de Masinloc dahilan ng paglubog ng kanilang bangka.

Nitong October 4, natukoy ng PCG ang Pacific Anna na isang crude oil tanker na nakarehistro sa Marshall Islands ang nakasagasa sa mga mangingisda batay sa cross-referencing sa salaysay ng mga biktima sa petsa at oras ng insidente sa pamamagitan ng pag-check sa marine traffic.

Sinabi ni Estrada na dapat mapanagot ang dayuhang barko at tiyaking ligtas ang mga Pilipinong maglalayag sa mga nasasakupang teritoryo ng bansa.

“The safety and well-being of our fishermen must always be a top priority, and those accountable for this incident must be held responsible for their actions,” dagdag ni Estrada.

Muli namang iginiit ni Senator Francis Tolentino ang kahalagahan ng pagpasa sa Maritime Zone Law para sa proteksyon ng mga mangingisda gayundin ang pagpapaunlad sa mga kagamitan ng PCG na mangunguna sa pagbibigay proteksyon sa West Philippine Sea at sa lahat ng nasasakupang karagatan ng bansa.

“The need to protect our fisherfolks and our marine resources cannot be overemphasized through the passage of our own Maritime Zone Law and the procurement of the necessary equipment for our Coast Guard as well. We await the results of the investigation being done,” ani Tolentino.

Hinihintay naman ng Department of Foreign Affairs ang opisyal na resulta ng imbestigasyon ng PCG para sa kaukulang hakbang hinggil sa insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 209,405 total reads

 209,405 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,078 total reads

 244,078 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,978 total reads

 259,978 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,468 total reads

 296,468 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 302,629 total reads

 302,629 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top