48,549 total views
Pinarangalan ng Radyo Veritas 846 ang mga natatanging students broadcaster na bahagi ng Campus Hour program ng Radyo ng Simbahan.
Ngayong 2025, isinagawa ang awarding ceremony ng Campus Hour season 12 sa Centro Escolar University Manila.
Sa kanyang mensahe sa awarding ceremony, hinimok ni Radyo Veritas President Father Roy Bellen ang mga student broadcaster na gamitin ang talentong ibinigay ng Panginoon sa tama.
Tagubilin ng pangulo ng Radyo ng Simbahan sa mga mag-aaral na ipalaganap sa pamamagitan ng pamamahayag ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig at mabuting balita ng Panginoon.
“nawa tayo pong lahat ay huwag makalimot na yung lahat ng skills and talents na nailagay po sa atin ng ating Panginoon, yung lahat ng ating galingan na ipamalas dun po sa ating pag-broadcast sa Campus Hour, ito po ay paalala lang: meron kang mission,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.
Lubos namang nagpapasalamat si CEU Manila Professor and Communication and Media Program Chair Jose Chris Sotto na maging bahagi ng Campus Hour radio program na naging daan upang lalong mahasa ang kakayahan at talento ng mga estudyante.
“Masaya po kami makasama kayo sa araw na ito. So talagang tuloy-tuloy ang participation namin dito. Masaya kami every year na maging bahagi ng Campus Hour at for sure tuloy-tuloy po ito – Mula script writing, lahat yung napapractice sa pag-participate ng mga estudyante natin dito sa Radyo Veritas Campus Hour. Kaya napakagandang application ito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Sotto.
Kalahok sa Campus Hour Season 12 ang World Citi Colleges Aeronautical & Technological College, La Consolacion University of the Philippines, Universidad de Manila,Baliuag University, Colegio de San Juan de Letran, Far Eastern University, Centro Escolar University–Manila at Centro Escolar University–Malolos.
Nanalo sa Campus Hour Season 12 bilang Best Program Theme Song ang WCC Aeronautical & Technological College North Manila, Best Program Teaser Plug naman para Far Eastern University, habang Best Male and Female Anchors sina Zach Punzal ng Centro Escolar University Manila at si Dani Dayao ng Far Eastern University, habang Audience Choice award nama nang natanggap ng Colegio de San Juan de Letran Manila at Best Program Segment naman para sa Centro Escolar University Malolos.
Tinanghal namang Best Radio Drama Program ang Universidad de Manila, Best Program Promotional Campaign naman ang Centro Escolar University Manila, habang Best in Broadcast Production Materials para naman sa La Consolacion University, Best Production Team para sa Baliuag University, Best Radio and TV Performance naman para sa Adamson Universit at Best Campus Hour School ngayong Season 12 ang Far Eastern University.
Sa awarding ceremony, lumagda sa kasunduan ang mga opisyal ng Radyo Veritas at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa upang maging bahagi ng Campus Hour Season 12.






