EU exhibit, inilunsad bilang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Tiniyak ng European Union (EU) ang patuloy na pakikiisa sa Pilipinas lalo na sa pagpapaigting ng kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pahayag ni European Union Ambassador to the Philippines Luc Véron sa pagbubukas ng ‘Euro-Pinoy Visual Arts Exhibition’, binigyan diin ang kahalagahan nang pagtutulungan sa pananatiling malinis lalo na ang mga anyong tubig sa mundo.

Tampok sa exhibit na may temang ‘Ebb and Flow: Return to Nature’ ang mga larawan ng anyong tubig na nilikha ng mga pintor.

“European and Filipino artists have come together: to show the beauty of water, its importance and what happens when water and the life that it sustains are nurtured or are ruined,” bahagi ng pahayag ni Ambassador Veron.

Batid ni Veron ang kasiyahang hatid ng tubig sa buhay ng tao tulad ng mga alon sa karagatan na nagpapagaan ng kalooban at mga karanasang hatid ng karagatang kung saan makikita ang mga yamang dagat.

Ayon kay Veron, layunin din ng exhibit na ipakita ang pagtutulungan ng mga taga Europa at mga Pilipino sa paglinang ng kultura.

“The “Ebb and Flow: Return to Nature” exhibition is part of the Viva Europa 2022 cultural festival, which aims to highlight shared European cultural heritage with Filipinos,” ani Veron.

Ang exhibit na magtatagal hanggang sa katapusan ng Mayo sa Yuchengco Museum sa Makati City na kasabay din ng pagdiriwang sa pagkakatatag ng European Union, EU Green Week sa May 30 hanggang June 5 at ang UN Oceans’ Conference na gaganapin sa Lisbon sa June 27 hanggang July 1.

Binigyang diin ni Veron ang paanyaya sa mamamayan na pagnilayan ang isa sa pinakamahalagang sangkap sa pamumuhay ng tao sa mundo.

“Ebb and Flow” is an invitation to meditation. “An invitation to meditate on life. No life without water. Yet, as we, sailors, know very well, water is indomitable. Our planet is blue, yet man cannot conquer the ocean. We are just its humble servants,” dagdag ni Veron.

Tampok sa Euro-Pinoy Visual Arts Exhibit ang mga likha nina César Caballero, Kizel Cotiw-an (Philippines), Ramon at Romania Diaz (Philippines and Italy), Louis Dumont (Belgium), Henri Etéve (France), Jeanette Kamphuis (Sweden), Radha Makitalo (Finland), Fara Manuel Nolasco (Philippines), Ann Pamintuan (Philippines), René Reitier (Germany), at Viviana Riccelli (Italy).

Kasama ni Ambassador Veron sa pagbukas ng exhibit si Yvonne Yuchengco, Chairwoman ng Yuchengco Museum at ang curator na si Cesar Caballero na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang bansa sa Europa at dating beauty queen na si Gloria Diaz.

Ang programa ay inisyatibo ng Delegation of the European Union to the Philippines, Yuchengco Museum, mga embahada ng Belgium, Germany, Spain (together with Instituto Cervantes Manila), France (together with Alliance Francaise de Manille), Italy (together with the Philippine Italian Association and Galleria Duemila), Finland, Sweden, and mga pintor mula sa University of the Philippines, Baguio City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top