Hingin ang pamamagitan ni Sta. Rita de Cascia; Ang daan tungo sa buhay na ganap, malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 940 total reads

Umapela sa mananampalataya ang kura paroko ng Sta. Rita de Cascia Parish sa Quezon City na higit na palalimin ang pagtitiwala sa Panginoon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Alfredo Pascual Jr. binigyang diin na ang maalab na pananampalataya sa Diyos ay makatutulong upang malampasan ng tao ang mga hamong kinakaharap.

Ayon sa pari, sa tulong ni Sta. Rita de Cascia ay higit mailapit ng tao ang mga kahilingan sa pamamagitan ng santa.

“Magtiwala tayo kay Sta. Rita de Cascia, manampalataya sa Panginoon at maniwalang hindi tayo pababayaan ng Diyos sapagkat ang pananampalataya ay mahalagang sangkap ng ating buhay, ito ang ating expression sa pagkapit sa Diyos,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang misa ganap na alas-10 ng umaga kasama si Fr. Pascual at ilang mga pari ng diyosesis.

Sa homiliya ng obispo ibinahagi ang buhay ni Sta. Rita de Cascia na sa gitna ng hamon at kahirapang dinaranas ay natuklasan ang daan tungo kay Hesus.

“In life it’s important to have the right direction to Jesus; tulad ni Sta. Rita de Cascia natuklasan niya ang tunay na daan tungo sa isang buhay na ganap at malaya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Inaanyayahan din ni Fr. Pascual ang mananampalataya na hingin ang pamamagitan ni Sta. Rita sapagkat ito ang patron ng mga imposibleng bagay.

“Dumulog tayo kay Sta. Rita de Cascia dahil siya ay patron ng impossible cases, dinudulog niya ang kanyang mga panalangin sa Panginoon kasama ang mga paghihirap natin,” dagdag ni Fr. Pascual.

Tema sa pagdiriwang ng ika-65 kapistahan ng parokya ang ‘Sta. Rita Kaagapay tungo kay Kristo’ kung saan ayon kay Fr. Pascual isang magandang ehemplo sa mamamayan ang mga halimbawa ng patron sa pagiging masigasig sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Naniniwala ang pari na diringgin ng Panginoon ang kahilingang idinudulog ng mamamayan sa pamamagitan ni Sta. Rita lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya.

“Hindi tayo bibiguin ng Panginoon lalo na kung ito’y sa ikabubuti ng ating pananampalataya at magpapalago ng ating sprituality,” dagdag ni Fr. Pascual.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 250 total reads

 250 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,466 total reads

 2,466 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,620 total reads

 9,620 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 47,000 total reads

 47,000 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,271 total reads

 78,271 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,203 total reads

 155,203 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,972 total reads

 248,972 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top