Filipino community sa Middle East, hinikayat na makiisa sa Synod consultation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total views

Hinimok ng Filipino missionary ang mga Pilipino sa Middle East na makiisa sa Synod on Synodality bilang tugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Franciscan Capuchin Fr. Troy De Los Santos, Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA), mahalaga ang pakikiisa ng mananampalataya sa paglago ng Simbahang Katolika.

Batid ng pari ang pagkakaiba ng tradisyon at kulturang kinagisnan ng mamamayan subalit iginiit na si Hesus lamang ang tanging ilaw na gumagabay sa bawat isa.

“Mga kapatid, ang panawagan sa atin ng simbahan yung sinodo, mahalagang magkaisa tayo bagamat iba-iba ang ating pananaw sa buhay, pinaggalingan, pinaghuhugutan sa buhay pero sa kabila nito ay sama-sama tayong maglalakbay dahil iisa ang ating sinusundan at tinitingnan upang hindi tayo maligaw, si Hesus,” bahagi ng pagninilay ni Fr. De Los Santos.

Ang paanyaya ni Fr. De Los Santos sa mga Pilipino sa Middle East ay kasabay nang ginanap na closing mass ng yearlong celebration ng 500 Years of Christianity sa Saint Joseph Cathedral sa United Arab Emirates.

Giit ng misyonero na sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus ay magbubuklod ang pamayanan at maiiwasan ang kalituhan at pagkaligaw ng landas.

Pinaalalahan din ng pari ang bawat mananampalataya sa walang hanggang Awa ng Diyos na iginagawad sa tunay na nagsisi sa kasalanan bilang paggunita sa kapistahan ng Banal na Awa.

Umaasa si Fr. De Los Santos na suportahan ng Overseas Filipinos ang mga inisyatibo ng AVOSA sa Synod on Synodality diocesan level upang makapagbalangkas ng preparatory document na isusumite sa Vatican bago ang gaganaping Synod of Bishops sa 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 119,206 total views

 119,206 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 162,814 total views

 162,814 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 244,303 total views

 244,303 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 251,373 total views

 251,373 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top