Pananakot sa media at environment advocates, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Naniniwala ang Living Laudato Si’ Philippines na dapat pang paigtingin ang pangangalaga at pagtatanggol sa kalayaan ng pamamahayag.

Ito ay kaugnay sa insidente ng panggugulo at pananakot ng mga armadong sibilyan kina Living Laudato Si’ information officer Mark Saludes, at advocacy officer Sheena Katrina Orihuela sa Aparri, Cagayan kasabay ng isinasagawang kilos-protesta ng mga mangingisda.

Ayon kay Rodne Galicha, executive director ng grupo na marahil ang layunin ng panggugulo ay sirain ang kalayaang pakinggan at ipahayag ang mga karanasan ng mga nasa mahihirap na komunidad na pawang biktima ng pang-aapi at pang-uusig.

“We call on the authorities to safeguard the freedom of speech and of the press, and secure the rights of people clamoring for social justice,” pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang naganap na insidente kung saan mayroong armadong lalaki na may lima pang kasamahan ang nagpakilalang pulis at lumapit kay Saludes upang humingi ng pahintulot na pumasok sa nasasakupan ng parokya ng San Pedro Telma sa Aparri.

Ito’y sapagkat ayon sa nagpakilalang pulis ay mayroong nakatakas na bilanggo na kanilang pinaghahahanap.

Agad namang iniulat ni Saludes ang insidente sa lokal na pamahalaan ng Aparri, kung saan napag-alamang walang anumang operasyon ang pulis sa lugar.

Samantala, ibinahagi ni Saludes na noong 2017 nang kanya ring maranasan ang katulad na insidente habang nagsasagawa ng kilos-protesta sa parehong lugar at parokya.

“We deplore the underhanded tactics of the armed men to harass a journalist and environmental advocate within the premises of a parish, which is supposed to be a safe space for all,” pahayag ng ATM.

Kasabay ng pagdiriwang sa Earth Day ay nagsagawa ng protesta ang mga mangingisda at mga tutol sa pagmimina sa Aparri upang pagtuunan ang epekto ng black sand mining sa kanilang kabuhayan at sa marine biodiversity sa lugar.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,824 total reads

 20,824 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 216,189 total reads

 216,189 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 247,920 total reads

 247,920 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 349,744 total reads

 349,744 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 390,305 total reads

 390,305 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 402,372 total reads

 402,372 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,651 total reads

 142,651 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top