Filipino community sa Rome, nanawagang tapusin na ang digmaan sa Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

Nanawagan na rin ang Filipino Community sa Rome, Italy para sa pagtatapos ng digmaan sa Marawi city.

Ayon kay Sister Beth Pedernal ng Sentro Filipino Chaplaincy sa Diocese ng Rome, nawa’y matapos na ang kaguluhan sa Marawi upang makabalik na ang mga lumikas at masimulan na ang kanilang pagbangon matapos na masira ang kanilang mga tahanan at kabuhayan dahil sa digmaan.

“Nais namin ang katahimikan at makabalik na rin ang mga kababayan nating nasa camps sa kanilang mga tahanan. May mga pag aaral kaming ginagawa tulad ng forum upang maipaliwanag pa ang kadahilanan at paano makarulong sa pagbubuong muli ng komunidad,” ayon kay Sr. Pedernal na nakabase sa Roma.

Sa kabila nito, patuloy namang nakikibalita ang Filipino Community sa Italya hinggil sa kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pag-imbita ng mga kababayan nating nakaranas sa kaguluhan.

“We want to strengthen it’s campaign and hoping for support to the humanitarian initiatives in response to the ongoing Marawi Crisis and the continuing evacuations of Lumad communities due to military attacks. As a Church institutions we speak out and call for support for the communities under attack,” dagdag pa nang madre.

Tinatayang may 108 libong Filipino ang nasa Italya na karamihan ay naninirahan at nagtatrabaho sa Roma.

Una na ring nagtungo sa Roma si Marawi Bishop Edwin Dela Peña kasama ang ilang obispo habang sa September 28 naman ay dadalo rin sa pulong sina Amirah Ali Lidasan, tagapagsalita ng Kalinaw ng Mindanao.

Sinabi ni Sister Pedernal na bahagi din ng balitaan sa kalagayan ng bansa, at pagkalap na rin ng kaukulang tulong sa mga biktima ng digmaan.

Kamakailan lamang ay nagdonate ng may 100 kaban ng bigas ang chaplaincy para sa mga nagsilikas na residente na apat na buwan nang nanatili sa evacuation centers at nakikipanirahan sa kanilang mga kaanak.

Sa pinakahuling ulat, may 300 libo katao ang nagsilikas sa lungsod, habang naitala na rin sa may 800 ang nasasawi sa patuloy na digmaan.

Sa isang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, kaugnay sa Share the Journey Campaign ni Pope Francis, hinikayat nito ang mga Filipino na makibahagi sa mga migrante at mga biktima ng karahasan.

Aniya ang pagdamay sa mga nangangailangan ay nagdudulot ng paggaan sa kanilang pagdadalamhati bukod sa tulong na natatanggap.

Read: Share the Journey campaign, ilulunsad ni Pope Francis

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 19,406 total reads

 19,406 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 80,182 total reads

 80,182 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 165,549 total reads

 165,549 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 212,285 total reads

 212,285 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 260,156 total reads

 260,156 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 360,148 total reads

 360,148 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top