619 total views
Tiniyak ng mga Filipinong migrante sa Roma ang pakikiisa sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kritiyanismo.
Sa pahayag ng Sentro Filipino Chaplaincy (SPC), kinikilala nito ang tungkulin ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig na itinuturing na misyonero sa makabagong panahon na katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita.
“Being all over the world, we Filipinos are considered not just migrants but also missionaries living our Christian faith by attending the mass, filing up churches from the dwindling numbers of church goers, the community gatherings every Sunday where the sense of belongingness is felt,” pahayag ng pastoral council ng S-P-C.
Ang S-P-C na bahagi ng Diocese of Rome ay nagsagawa ng mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng 500 years of christianity tulad ng education information dissemination, katesismo sa loob ng Banal na Misa, faith formation at ang triduum webinars.
Bukod pa rito ang livpure programs, online liturgical bible study at media congress na inihanda naman ng mga kabataan.
Ayon sa grupo, mahalagang ipagpasalamat ang kaloob na biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng lahat Filipino maging sa mga dayuhang bansa.
“We the Sentro Filipino Chaplaincy under the Diocese of Rome would like to participate in this historical event commemorating the 500 Years of Christianity in the Philippines,” dagdag pa ng SPC.
Isang misa ang pangungunahan ni Pope Francis sa St. Peters Basilica sa Marso 14 ganap na alas 10 ng umaga na dadaluhan lamang ng 100 katao dahil na rin sa limitasyong duot ng coronavirus pandemic.
Sa mga hndi makapapasok sa St. Peters Basilica ay inaanyayahang makiisa sa livestream coverage ng misa at maging sa mga TV networks sa buong daigdig na magsasahimpapawid sa nasabing pagdiriwang.
Isinabuhay din sa Roma ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na gifted to give kung saan pinalalakas ang mga ugnayan sa turo ng simbahan upang maibahagi sa kapwa.
“We are also empowered through the catechism and the formation given by the spiritual director which deepens the priceless gifts given to us and makes us effective evangelizers of today,” pahayag ng grupo.
Pagkatapos ng misa ng Santo Papa ay isusunod ang tradisyunal na Angelus sa Vatican at ibinahagi ng SPC na makatatanggap ng espesyal na pagbabasbas ang mga Filipino mula kay Pope Francis.
Sa Abril 4 naman ay pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples ang misa para sa Linggo ng muling Pagkabuhay sa St. Mary’s Major.