Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 834 total reads

Kapanalig, kapag panahon ng habagat, ang matinding pagbaha ay isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan. Maraming mga lugar sa ating bansa ang lumulubog sa matataas na baha na hindi lamang nakaka-disrupt sa ating araw-araw na pamumuhay, nakakasira pa ito ng gamit at kabuhayan, at sa maraming pagkakataon, nakamamatay pa.

Regular na nangyayari ang pagbaha sa ating bayan, pero bakit kaya ang nagiging tugon ng marami sa atin ay parang limitado na lamang sa paghahanda para dito, at pag-eevacuate kung masyado ng mataas? Bakit tila limitado sa disaster-risk reduction na lamang ang mga estratehiya ng bayan at maraming mga LGUs? Meron bang komprehensibong plano ang ating bayan para sa flood resilience and prevention sa ating bayan, o nakatutok na lang tayo sa adaptation at disaster prevention?

Kapanalig, kailangan komprehensibo na ang ating pagtugon sa isyu ng pagbaha sa ating bayan. Taon-taon, sa halip na mabawasan ang mga araw at lugar na binabaha, parang nagdadagdagan pa ito. Ayon sa Climate Change Knowledge Portal ng World Bank, mula 1980 hanggang 2020, ang pagbaha ay bumubuo ng mahigit pa sa 24% ng mga disasters na nangyari sa ating bayan kada taon.

Kailangan ng bayan ng mga flood protection infrastructure. Gawa tayo ng gawa ng kalye, pero pagdating ng tag-ulan, halos lahat ng mga kalye na ito ay hindi na madaanan dahil sa pagbaha. Maaari bang iba naman ang gawin natin? Magdagdag naman tayo ngayon sa ating budget ng pagsasaayos at pagpapalaki ng drainage facilities and infrastructure sa ating mga syudad. Unahin naman kaya natin ang pag-modernize ng ating flood prevention infrastructure? O pwede kayang simulan natin sa umpisa – maglabas naman muna tayo ng drainage map, kahit dito lamang sa NCR. Siguraduhin naman natin na tama ito alam natin ang direksyon at slope ng drainage sa mga syudad natin.

Ang pagbaha, kapanalig, ay lalala pa sa darating na panahon, lalo pa’t tumataas ang sea levels ng mundo at sinasabayan pa natin ito ng paglikha ng sangkatutak na basura na bumabara sa mga daluyan sa ating kapaligiran. Kailangan natin maghanda para sa mga maaring maging epekto nito hindi lamang para sa ating henerasyon, kundi para sa mga darating pa. Obligasyon ng nasyonal at lokal na pamahalaan na paghandaan ito, dahil ayon nga sa Rerum Novarum, ang  mga  lider ng bayan ang siyang naatasang maniguro sa kaligtasan ng lipunan at ng lahat ng miyembro nito. Wika nito: “The conservation of the community is so emphatically the business of the supreme power, that the safety of the commonwealth is not only the first law, but it is a government’s whole reason of existence.”

Akuin naman sana ng kasalukuyang administrasyon ang pagsasaayos ng flood resilience ng ating bayan. Unahin sana ito at iprayoridad.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 103,779 total reads

 103,779 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,450 total reads

 180,450 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 213,898 total reads

 213,898 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,198 total reads

 249,198 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,696 total reads

 471,696 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 103,780 total reads

 103,780 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,451 total reads

 180,451 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 213,899 total reads

 213,899 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,199 total reads

 249,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top