China, tinawag na sinungaling ng DND

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,207 total reads

Kinundena ng Department of National Defense ang pahayag ng China na sinisira ng sariling defense forces ng Pilipinas ang kalikasan at mga karagatan ng bansa.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr, kasinungalingan at kabaliktaran ang naging pahayag ng China ng dahil sa kanilang patuloy na pang-aangkin sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Teodoro na dahil sa patuloy na pagtatayo ng mga illegal na imprastraktura at reclamations activities sa WPS ay tunay na sinisira ng China ang karagatan at mga likas na yamang pagmamay-ari ng Pilipinas.

“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it as politely as possible–hypocritical, talk about the pot calling the kettle black! China continues to damage the WPS by its illegal reclamation activities in the SCS and it was found to be a violator of international law in the 2016 Arbitral Award when such activities damaged the marine environment,” ayon sa mensahe ni Teodoro na ipinadala ng DND sa Radio Veritas.

Iginiit ng kalihim na ang pahayag ay pinapababa lamang ng China ang tiwala sa kanila ng international community.

Inihayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na kasinungalingan ang paratang ng Pilipinas na sinisira ng China ang kalikasan dahil sa kanilang mga illegal reclamations projects sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Ning na mas nakakasira sa karagatan at coral reefs ang pananatili ng barko ng Republika ng Pilipinas o BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Disingenuous propaganda lines such as this only serve to expose China’s insincerity and will only heighten the mistrust by the Filipino people and the rest of the world of the Chinese government,” pahayag ni Teodoro.

Naunang ipinatupad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin ng Oratio Imperata para sa kahinahunan at kapayapaan sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 29,518 total reads

 29,518 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 109,556 total reads

 109,556 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 203,782 total reads

 203,782 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 264,271 total reads

 264,271 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 276,695 total reads

 276,695 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top