Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 78,483 total reads

LOGIC… ito ay nangangahulugan ng “reasonable thinking”-tamang pag-iisip…good judgement.

Kapanalig, gamitin natin ang “logic” sa nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture ng “food security emergency” sa Pilipinas na sinusuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maging ng National Security Council.

Ang katwiran, kailangang magdeklara ng national food security emergency upang ma-decongest at maibenta ng National Food Authority ang sinasabing nabubulok na 300,000 metriko-tonelada na bigas sa kanilang mga warehouse sa iba’t-ibang panig ng bansa. Isa pa sa dahilan ng “food security emergency” ay upang makapag-import ang Pilipinas ng 300,000 metriko-toneladang bigas sa mga dayuhang bansa. Biruin mo, hirap na hirap… hindi na halos makahinga ang mga Pilipino sa napakamahal na halaga ng isang kilo ng bigas sa mga pamilihan… Ito ang NFA, mayroong 300,000-metriko-toneladang bigas sa kanilang mga warehouse na nabubulok na…hindi na maibenta kahit sa murang halaga kada kilo? Humirit pa na magdeklara ng food security emergency upang mai-dispose na ang nabubulok na bigas… Nasaan ang sinasabing logic?

Napakamahal ng halaga ng bigas sa merkado, bakit hindi ginamit ng D-A ang tone-toneladang bigas upang maiwasan ang price manipulation ng bigas para bumaba ang presyo nito sa mga pamilihan? Ang siste Kapanalig, naisahan na naman tayong mga Pilipino ng mga magagaling nating mambabatas…Nasa ilalim pala ng Rice Tarification Law o Republic Act no.11203 na hindi maaring direktang ibenta ng NFA sa mga pamilihan ang stock nilang mga palay o bigas kahit ito’y nabubulok na, mabaho at hindi na halos maisaing ng mga nagugutom na Pilipino. Maari lang ibenta ng DA at NFA ang sobra-sobrang stock sa mga Local Government Units, Armed Force of the Philippines(AFP),Philippine National Police (PNP), mga ahensiya ng pamahalaan at mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) at Government Financial Institutions(GFI’s). Ang tanong sino pa ang bibili ng nabubulok at mabahong bigas ng NFA? Kapanalig, nasaan ang logic? Ibibenta ng DA at NFA ang bigas sa halagang 33-pesos kada kilo. Sa kasalukuyan, ang ibinibentang bigas na nagkakahalaga ng 58-pesos kada kilo sa merkado ay itinuturing na mababang klase o mababa ang kuwalidad na bigas.

Noong nakalipas na taong 2024, ang Pilipinas ay sinalanta ng mga malalakas na bagyo at dumanas ng malaking pinsala sa pagputok ng bulkang Mayon, Mt.Kanlaon at bulkang Taal.. Dapat ang tone-toneladang sobrang bigas ay ginamit ng pamahalaan sa mga biktima ng kalamidad, tama ba Kapanalig?

Kapanalig, bakit kailangang magdeklara ng national food security on rice? Walang shortage sa bigas, magsisimula na naman ang anihan, walang nagaganap na kalamidad. Ang katotohanan, nabigo ang pamahalaan na kalusin at panagutin sa batas ang mga ganid na importers, wholesalers at retailers ng bigas. Pinababayaan lang ng pamahalaan ang mga ito na magpasasa sa kita, walang pakialam ang mga opisyal ng DA at NFA sa kumakalam na sikmura ng mamamayan… ang importante sa kanila ay maambunan ng mga negosyante sa kanilang kinikita.

Kapanalig, nakasaad sa article four (IV) ng Cathechism of the Catholic Church “1759 “An evil action cannot be justified by reference to a good intention” (cf. St. Thomas Aquinas, Dec. praec. 6). The end does not justify the means. CCC 1761 “One may not do evil so that good may result from it.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,984 total reads

 19,984 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,111 total reads

 20,111 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,315 total reads

 36,315 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,721 total reads

 92,721 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,222 total reads

 216,222 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,830 total reads

 299,830 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,316 total reads

 36,316 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,722 total reads

 92,722 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,223 total reads

 216,223 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top