Pilgrims passport, makukuha na sa Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,959 total views

Inanunsyo ng Archdiocese of Cebu na maari nang makakuha ng pilgrim’s passport ang mananampalataya na gagamitin sa pagbisita ng mga itinalagang pilgrim churches ng arkidiyosesis ngayong Jubilee Year.
Layunin ng proyekto na matulungan ang mananampalataya sa pagninilay at pananalangin sa paglalakbay ngayong natatanging taon ng hubileyo sa temang ‘Pilgrims of Hope.’
Nilalaman ng pilgrim passport ang talaan ng mga pilgrim churches sa buong lalawigan na maaring dalawin kung saan sa bawat pagbisita ay maaring kumuha ng stamp bilang palatandaan ng pagdalaw sa pilgrim church.
“This meaningful tool fosters devotion and unity among pilgrims as they journey through the Archdiocese during the Jubilee celebration,” ayon sa Archdiocese of Cebu.
Makikita rin sa Pilgrim Passport ang QR Code na maaring i-scan ng mananampalataya para sa international prayer platform na Hallow App kung saan mapakikinggan ang mga panalangin at pagninilay ni Cebu Archbishop Jose Palma.
Nagkakahalaga ng P199 ang pilgrim passport kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin sa mas malawak na pagmimisyon ng simbahan.
“This initiative plays a significant role in our shared mission, as its proceeds will help fund the various initiatives for the Jubilee celebrations,” ayon sa arkidiyosesis.
Maaring makakuha ng pilgrim passport sa Parish Office ng mga itinalagang pilgrim churches, sa tanggapan ng Commission on Worship sa Cebu Metropolitan Cathedral compound, at sa tanggapan ni Archbishop Palma.
Paalala ng arkidiyosesis sa mananampalatayang makabisita ng 15 pilgrim church ay maaring kumuha ng Pilgrimage Certificate habang ang makabisita sa 31 simbahan ay may karagdagang token na matatanggap.
Patuloy ang paanyaya ng simbahan sa mananampalataya na dumalaw sa mga pilgrim churches upang matamo ang plenary indulgence ngayong Jubilee Year alinsunod sa mga alintuntunin ng pagtanggap tulad ng pagdulog sa sakramento ng kumpisal, pagtanggap ng Banal na Komunyon, panalangin sa natatanging intensyon ng santo papa, pag-usal ng Ama Namin at Credo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 43,543 total views

 43,543 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 76,625 total views

 76,625 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 104,976 total views

 104,976 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 172,708 total views

 172,708 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 192,827 total views

 192,827 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top