Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Forgetting is never the answer

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Mga Kapanalig, sa isang Facebook post kamakailan, may ganitong sinabi si CBCP President at Kalookan Bishop Ambo David: “A nation that treats its villains like heroes and its heroes like villains has nowhere to go but down the drain.” Wala raw mararating ang isang bayang itinuturing na bayani ang mga umaapi at nananamantala sa kanila, at itinuturing na kaaway ang mga nagmamalasakit at nag-aalay ng buhay para sa kanila.

Ikinadismaya, ikinalungkot, at (marahil) ikinagalit ni Bishop Ambo ang paglalagay at pagharang ng trapal at tent sa tapat ng rebulto ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr sa Tarlac City noong nagsagawa roon ng campaign rally ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte. Marami ang nabastusan sa ginawang iyon ng mga nag-organisa ng campaign rally at sa pagpapahintulot ng pamahalaang lungsod na gawin iyon sa monumento ng bayani ng demokrasya. Ang pagpatay kay Ninoy noong Agosto 1983 ang isa sa mga itinuturing na mitsa ng makasaysayang People Power Revolution sa EDSA noong 1986. Tubong Tarlac si Ninoy, gayundin ang asawa niyang si Cory. Inilagay ang rebulto niya sa plaza ng lungsod bilang pagpaparangal sa pag-aalay niya ng kanyang buhay upang bumalik ang demokrasyang sinupil ng mapang-abusong rehimen.

The Filipino is worth dying for” ang isa sa mga sikat na sinabi ni Ninoy, at ito ang naging parang slogan nga ng mga nagmamahal sa ating bayan. Pero sa ginawang pambabastos sa kanyang alaala sa Tarlac, naitanong tuloy ni Bishop Ambo: worth dying for nga ba talaga ang mga Pilipino? Baka mali raw ang paniniwalang ito ni Ninoy kung para sa mismong mga ipinaglaban niya ay walang saysay ang kanyang pagkamatay, ang pagdaloy ng kanyang dugo sa tarmac ng Manila International Airport na nagpaalab sa hangarin ng mga Pilipinong ibalik ang kalayaan at demokrasya sa ating bayan mula sa napakahabang panahong nasa kamay ni Marcos ang lahat ng kapangyarihan.

Siguro nga, tayo ay isang bayang madaling makalimot, isang bayang may amnesia, isang bayang walang pinagkatandaan. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, madali para sa marami ang magsabing kalimutan na ang mga nangyari noon at harapin na lang ang kinabukasan. Tutol ang Santo Papa sa ganitong pag-iisip. Sabi niya, hindi tayo makakasulong nang hindi nililingon ang nakalipas. Hindi tayo uusad kung hindi tayo tapat sa ating alaala ng nakaraan. “Forgetting is never the answer,” dagdag pa niya.

Ang mga rebulto at monumento ay isa lamang sa mga paraan upang manatili sa ating alaala ang mga taong may ginampanang mahalagang papel sa ating kasaysayan, lalo na ang mga nag-alay ng kanilang buhay para sa mas malaking adhikain. Hindi natin sila kailangang idolohin o sambahin dahil hindi rin naman sila mga perpektong tao, pero marapat lamang na alalahanin natin ang halimbawang isinabuhay nila at ang aral na iniwan nila upang manatiling nag-aalab ang tinatawag ni Pope Francis na “collective conscience.” Ito ang konsensya natin bilang isang bayan—isang konsensyang dapat pakinggan lalo na sa mga panahong mayroong mga tao at grupong nais makamit ang kapangyarihan para sa sariling interes o para magpalaganap ng kasamaan.

Mga Kapanalig, ang People Power Revolution noong 1986 at ang maraming pangyayaring nagsilbing pundasyon nito, kabilang ang pagpatay kay Ninoy, ay maituturing na mga himala. Wala man tayo sa kalagayang gusto nating makamit noong pinatalsik ng mga Pilipino si Ferdinand Marcos, baka nasa mas malala tayong kalagayan ngayon kung nagpatuloy tayo sa pamamahalang walang boses ang mamamayan. Kaya gaya nga ng nasasaad sa Mga Awit 77:11, ating gunitain ang maraming kahanga-hangang ginawa ng Diyos. Bahagi nito ang paggunita at paggalang sa mga bayaning nag-alay ng kanilang sarili para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,565 total views

 5,565 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,538 total views

 11,538 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,293 total views

 17,293 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,556 total views

 24,556 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,541 total views

 32,541 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,566 total views

 5,566 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,539 total views

 11,539 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 17,294 total views

 17,294 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,557 total views

 24,557 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,542 total views

 32,542 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,436 total views

 35,436 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,440 total views

 47,440 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,482 total views

 55,482 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,039 total views

 47,039 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,464 total views

 45,464 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,250 total views

 47,250 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,175 total views

 44,175 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,489 total views

 58,489 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,179 total views

 62,179 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,782 total views

 60,782 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top