Obispo ng Tagbilaran, hinimok ang kapwa pari na ipagpatuloy ang misyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,204 total reads

Hiniling ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mananampalataya ang panalangin para sa mga pastol ng Simbahan na magpatuloy sa misyong maglingkod sa kawan ng Panginoon.

Ito ang pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis kung saan sinariwa ng mga pari ang sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod ng Simbahan.

Tiniyak ni Bishop Uy sa halos isang milyong mananampalataya ng Diyosesis ang matapat na paglilingkod at paghahatid sa mensahe ng Panginoon sa bawat pamayanan.

“Akong inyong obispo kasama ang mga kapatid kong pari muling mag-alay ng aming sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan; manunumpang tupdin ng may pagmamahal, kababaang-loob at makatotohanan ang aming tungkulin bilang mga pastol,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Hamon ni Bishop Uy sa mga kapwa pastol ng Simbahan ang pagpapaigting sa paglingap sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Tinukoy naman ni Bishop Uy ang ilan sa mga gawaing nagpapahina at nagpapalayo sa ugnayan ng tao at Panginoon tulad ng pagbabahagi ng fake news na nagdudulot ng kasiraan ng kapwa; pagmumura, pang-iinsulto sa kapwa, at pagsasamantala sa kahinaan ng iba.

“Kung paiiralin natin ang mga masasamang katangian at nakagawian hindi ito ang Espiritu ng Diyos ang ating pinagsisilbihan kundi ang demonyo,” ayon pa sa Obispo.

Sa datos ng Catholic Hierarchy nasa 139 ang kabuuang bilang ng mga pari ng diyosesis sa pangunguna ni Bishop Uy na nangngasiwa sa 58 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,953 total reads

 73,953 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,442 total reads

 152,442 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,890 total reads

 185,890 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,187 total reads

 221,187 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,716 total reads

 444,716 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top