Gamitin ang katawan upang purihin ang panginoon at tumulong sa kapwa-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Mahalagang gamitin ng bawat isa sa kabutihan ang katawang panlupa na ipinagkaloob ng Panginoon lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang paalala ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo kaugnay sa malaking pagkakaiba ng naaangkop na pangangalaga sa katawan ngayong panahon ng pandemya na nagdudulot ng kawalan ng katiyakan para sa buhay ng bawat isa.

Ayon sa Obispo na siya ring outgoing Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, bukod sa pagsunod sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at ng mga eksperto na mga safety health protocol ay mahalaga ring gamitin ang katawang ipinagkaloob sa bawat isa upang papurihan ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, higit na dapat na maging mas malalim at makabuluhan ang pangangalaga ng bawat isa sa katawang panlupa na ipinagkaloob ng Panginoon para sa lahat.

“Ngayong panahon ng pandemya naiba na ang pag-aalaga ng katawan. Hindi na gaano paano gumanda – hindi naman tayo lumalabas at kung lumabas man nakatakip na ang mukha. Ang pag-aalaga ng katawan ay upang ito ay maging malusog para may resistance sa virus. So the concern now is more of health rather than beauty. Mas malalim na ito na pag-aalaga sa katawan. Pero ang isa pang pag-aalaga sa katawan na dapat bigyan ng pansin: gamitin ang katawang panlupa upang ito ay makapunta sa langit. Gamitin natin ang ating katawan upang purihin ang Diyos at makatulong sa kapwa.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Broderick Pabillo.

Ito rin ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo kaugnay sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria na nagsilbing kauna-unahang banal na misa na isasagawa ng Obispo sa bikaryato matapos na sumailalim sa 7-araw na quarantine mula ng dumating mula sa Maynila noong ika-5 ng Agosto.

Isinagawa ang banal na misa sa Katedral ng San Jose Manggagawa kung saan nakatakdang isagawa ang kanyang installation sa ika-19 ng Agosto bilang opisyal na bagong punong pastol ng bikaryato ganap na alas- nuwebe ng umaga na pangungunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona at matutunghayan sa Radyo Veritas Ph Facebook page at mapakikinggan sa Radio Veritas 846.

Tiniyak naman ng bikaryato ang patuloy na pagsunod at pagpapatupad ng safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,767 total reads

 1,767 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,144 total reads

 40,144 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,415 total reads

 266,415 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,880 total reads

 159,880 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,810 total reads

 253,810 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top