Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawa hindi salita, hamon kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Gawa at hindi salita ang hiling ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales kay pangulong Rodrigo Duterte at Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa problemang dulot ng pagmimina sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Benito Molino, chairman ng CCOS, naniniwala sila sa adbokasiya ng Pangulo ngunit nagpapatuloy pa rin ang mga operasyon ng mga sinuspindeng minahan sa Zambales.

“Lagi naming binabanggit ay sana yung mga sinasabi ni Pangulong Duterte ay gawan nya ng aksyon hindi lang panay salita kasi hanggat panay salita ang kanyang ginagawa at nagpapatuloy ang pag-hauling, ang pagmimina ay ang hirap paniwalaan, kaya kami ayaw namin ng ngawa gusto namin ng gawa,” bahagi ng pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Molino, bukod sa pagpapatigil sa mga minahan ay kinakailangan ding panagutan ng mga mining companies ang pagkasirang idinulot nila sa kapaligiran lalo na sa mga sakahan, palaisdaan at mga daluyan ng tubig gayun din ang pagbibigay ng hustisiya sa lahat ng biktima ng perwisyong pagmimina.

Matatandaang sa ilalim ni dating DENR Secretary Gina Lopez, kabilang ang minahan sa Zambales sa 23 kumpanyang nais nitong ipasara dahil sa matinding pinsalang idinulot nito sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan ay patuloy namang nananatili ang humigit kumulang 30 kasapi ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales sa harap ng tanggapan ng DENR kasama ang mga miyembro ng Save Manicani Movement upang ipanawagan ang pagpapatigil ng pagmimina sa kanilang lugar.

Nauna rito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol niya sa pagmimina dahil sa nagiiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 64,739 total views

 64,739 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 64,778 total views

 64,778 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 72,714 total views

 72,714 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 94,867 total views

 94,867 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 112,590 total views

 112,590 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 274,682 total views

 274,682 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 218,527 total views

 218,527 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »