10,247 total views
Inihayag ni Legazpi Bishop Joel Baylon na ang pagsariwa sa pagputong ng korona ng Nuestra Señora de Peñafrancia ay paalala sa mamamayan na si Maria ang reynang huwaran ng sanlibutan.
Ayon sa Obispo, mahalagang maunawaan ng mamamayan na sa kabila ng pag-usbong ng panahon at paghanga sa mga tanyag na indibidnal sa iba”t ibang larangan, natatangi ang Mahal na Birhen sapagkat ito ang buong kababaang loob na tumugon sa Panginoong ipaglihi si Hesus na tumubos sa sangkatauhan.
“Ang significant nito Mary being crowned as queen of heaven, the mother of Christ the King provide us another aspect of our relationship especially now that the world is being drawn to many icons or idols. Mary’s queenship provide a totally different perspective in the way we appreciate or value the models our lives today,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.
Umaasa ang obispo na pagtuunan ng pansin ng mananampalataya ang pagpapalalim ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria na gabay sa paglalim ng pananampalataya sa Diyos.
Dalangin ni Bishop Baylon na sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya ay hindi malihis ng daan ang mamamayan lalo ang kabataan tungo sa landas ni Hesus.
“It is good for us to see that there are more important and significant role models especially our young people today na they are easily drawn to lures of the internet, of what the social media provides, ani Bishop Baylon.
Ginunita ng Bicol region ang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation ng Our Lady of Peñafrancia nitong September 20 na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown katuwang si Archbishop Rex Andrew Alarcon.
Matatandaang September 1, 1864 nang itinakda ni Bishop Francisco Gainza ang Traslacion Procession sa imahe ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia bago ang kapistahan ng Holy Name of Mary habang fluvial procession naman pabalik sa kanyang dambana sa National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Peñafcancia sa bisperas ng kapistahan.
Samantala September 20, 1964 nang gawaran ng canonical coronation ang imahe sa pangunguna ni noo’y Apostolic Delegate Bishop Guiglelmo Piani sa Naga Metronolitan Cathedral Grounds na ngayon ay tinatawag na Quadricentennial Arch.
Ang kapistahan ng Nuestra Señora de Penafrancia ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas na dinadayo ng milyung-milyong debotong Pilipino at maging ng mga dayuhan.