Gawing huwaran ang buhay ng mga banal, paalala ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,322 total views

Hinikayat ng Catechetical Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na gawing huwaran ang naging buhay ng mga banal na ini-alay ang mga sarili upang paglingkuran ang Panginoon.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto, vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, misyon ng mga banal na maging patnubay at taga-pamagitan ng bawat isa upang maipaabot sa langit ang mga panalangin at kahilingan.

Ito ang paalala ni Bishop Presto sa paggunita sa araw ng mga banal at mga yumaong mahal sa buhay sa Nobyembre 1 at 2.

“Sa ating pagdarasal sa mga banal, ating tinitingala ang mga ito bilang halimbawa sa ating buhay. Sila ‘yung mga martir. Sila’y mga namuhay ayon sa kabanalan. Sila’y mga misyonero at marami pang iba. Sa pamamagitan nila ay ipagdarasal nila tayong narito sa lupa,” pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Hiling naman ng obispo na ang kabanalan ng mga Santo nawa’y higit na magpatatag sa pananampalataya ng bawat isa sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kinakaharap.
“Sa pagtingin natin sa mga banal sa langit ay nawa’y magkaroon ng inspirasyon na maging matibay sa ating pananampalataya at sa ating paglilingkod at paglalakbay dito sa lupang ibabaw,” ayon sa obispo.

Hinimok din ni Bishop Presto ang patuloy na pananalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Ipinaliwanag ni Bishop Presto na mahalagang ipanalangin lalo na ang mga kaluluwang nasa purgatoryo upang ganap na maka-akyat sa langit at makamit ang buhay na walang hanggan kasama ang mga banal at ang Panginoon.

“Sila man din na nasa kabilang buhay ay nagdarasal para sa atin kaya nga’t sa kapistahang ito ng mga banal at mga kaluluwa sa kabilang buhay, ang pagdarasal ay atin nawang isasakatuparan para sa mga yumao nating mga mahal sa buhay,” saad ni Bishop Presto.

Kaugnay nito, naglabas ang simbahan ng kopya ng panalangin na maaring gamitin ng mga kaanak sa pagdarasal sa kanilang pagdalaw sa mga sementeryo, gayundin ang pagsasagawa ng Banal na Misa sa mga parokya sa bansa bilang paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 7,728 total views

 7,728 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 25,528 total views

 25,528 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 25,528 total views

 25,528 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 139,128 total views

 139,128 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 161,091 total views

 161,091 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 7,425 total views

 7,425 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top