VeritasPH

The Word, The Truth

Gawing prayoridad ang magpapagaling sa lipunan

SHARE THE TRUTH

 380 total views

Mga Kapanalig, sa paghahanda ng badyet para sa susunod na taon, makakukuha ng karagdagang badyet ang mga opisina ng pangulo at pangalawang pangulo. Malaki rin ang pondong ilalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura at sa debt servicing o pagbabayad ng ating utang. Samantala, binawasan naman ang pondo para sa sektor ng edukasyon at paggawa pati na rin ang social protection, kung saan pumapaloob ang pamamahagi ng ayuda at pabahay. Bagamat tumaas ang porsyento ng badyet para sa Department of Health (o DOH), may mga programa itong tinapyasan ng malaking badyet.

Ilan sa mahahalagang programa ng DOH na may malaking kaltas sa badyet ay ang Epidemiology and Surveillance Program, Health Regulatory Program, Public Health Program, and the Health Emergency Management Program. Paliwanag ng Department of Budget and Management (o DBM), na naghahanda ng badyet ng gobyerno, kailangan ibatay ang mga programa at proyekto sa badyet na mayroon lamang ang bansa upang mapanatiling maayos ang pamamahala sa pananalapi ng bansa. Sabi pa ng DBM, mas mataas naman ng sampung porsiyento kumpara sa kasalukuyang taon ang 296.3 bilyon pisong panukalang badyet para sa sekor ng kalusugan sa taóng 2023.

Gayunpaman, sinabi ng DOH officer-in-charge na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga benepisyo at allowances ng mga healthcare workers ang higit na magdurusa sa pagbawas sa panukalang budget nito para sa susunod na taon. Kakapiranggot diumano ang pondong inilaan para mabigyan ng benepisyo ang lahat ng healthcare workers hanggang sa katapusan ng 2023. Dalawampung bilyong piso lamang ang nakalaan para sa emergency benefits at allowance ng mga healthcare workers—19 na bilyong piso nito ang mapupunta sa kanilang Health Emergency Allowance (o HEA), habang ang natitirang isang bilyong piso ay mapupunta sa kanilang COVID-19 death and sickness compensation package. Ang kaso, hindi raw nito matutugunan ang mga pangangailangan ng 850,000 healthcare workers para sa buong taon ng 2023.

Matagal nang panawagang bigyan ng karampatang atensyon, sahod, at benepisyo ang mga healthcare workers dahil susi sila sa pagpapalakas ng ating sistemang pangkalusugan. Sa panahong mayroon pa ring kinakaharap na krisis sa kalusugan ang bansa dahil sa Covid-19 at iba pang nakahahawang sakit, mahalaga ang papel ng mga doktor, nars, at iba pa sa pagtiyak sa kapakanan ng sambayanan.

Paano iiwasan at kokontrolin ng bansa ang mga kumakalat na sakit gaya ng monkeypox kung kinaltasan ang badyet para sa programang tutugon dito? Paano mauubos ang kaso ng COVID-19 kung kulang at underpaid ang mga healthcare workers? Mahalaga ang masusing pagpaplano ng gobyerno upang makabangon ang ating bansa mula sa pagkalugmok na dulot ng pandemya.

Gaya ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang kapakanan ng nakararami ay ang dahilan at batayan ng pamahalaan. Nariyan ang pamahalaan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan na hindi nila kayang punan bilang mga indibidwal. Kasama rito ang pagkakaroon ng maayos na kalusugang kailangan upang mamuhay nang ganap at may dignidad. Hindi maaaring isantabi ng gobyerno ang sektor ng kalusugan dahil karapatan ng bawat isa ang magkaroon ng maayos at malusog na pamumuhay. Kaya naman, malinaw ang tungkulin ng pamahalaang pagtugmain ang iba’t ibang interes ng mga sektor na nababatay sa hustisya upang matiyak ang kabutihang panlahat. Sabi nga sa Roma 13:4, ang mga pinuno ng pamahalaan ay “mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti natin.”

Mga Kapanalig, sa panahong lubog sa utang ang ating bansa, may krisis tayo sa pagkain, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at umiiral pa rin ang banta ng mga nakahahawang sakit, mahalagang maging mapanuri tayo sa mga desisyon ng ating pamahalaan. Apektado tayong lahat sa kanilang magiging mga prayoridad at hindi prayoridad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,211 total views

 11,211 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,196 total views

 19,196 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,732 total views

 26,732 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,717 total views

 42,717 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,761 total views

 50,761 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 11,212 total views

 11,212 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 19,197 total views

 19,197 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 26,733 total views

 26,733 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 42,718 total views

 42,718 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 50,762 total views

 50,762 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,953 total views

 45,953 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,378 total views

 44,378 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,164 total views

 46,164 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,089 total views

 43,089 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,403 total views

 57,403 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,093 total views

 61,093 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,696 total views

 59,696 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,683 total views

 69,683 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,651 total views

 73,651 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,538 total views

 84,538 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top