Rebuild app, inilunsad para sa mabilis na rehabilitasyon tuwing may kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Inilunsad ng Office of Civil Defense (OCD) ang web application na layong matulungan ang local government units na mapabilis at mapabuti ang proseso ng rehabilitasyon sa panahon ng sakuna.

Ang PlanSmart Ready to Rebuild web application-ay isang automated planning tool na magsisilbing gabay sa mga paraan ng pagpaplano para sa disaster risk reduction and management sa bansa.

Umaasa si National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director at Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer na malaki ang maitutulong ng web application lalo’t ang bansa ay madalas makaranas ng iba’t ibang kalamidad.

“This app, which will systematically generate RRPs [rehabilitation and recovery plans] using science-based information and pro-forma templates, will significantly help LGUs plan for quick and resilient recovery,” pahayag ni Ferrer.

Ang PlanSmart application ay proyekto ng Department of Science and Technology (DOST), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Department of the Interior and Local Government (DILG), NDRRMC, at OCD sa pakikipagtulungan ng World Bank.

Ito ay offshoot o sangay ng GeoRiskPH Integrated Platform na binuo ng DOST at ng Ready to Rebuild (R2R) Program na pinangungunahan ng OCD.

“Through PlanSmart, it is my vision that we will have a geospatially-enabled Philippines where we evaluate data, time and location together for better analysis and decision-making,” paliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum Jr.

Sa pilot run, nilalayon ng training program na mabigyan ang nasa higit 400 kalahok mula 137 LGUs sa National Capital Region, CALABARZON, Bicol Region, Central Visayas, at CARAGA.

Una ng hinikayat ng Kanyang Kabanalan Francisco na gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mamamayan na may paggalang sa kapakanan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,096 total reads

 63,096 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 99,012 total reads

 99,012 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,312 total reads

 134,312 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,582 total reads

 360,582 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,418 total reads

 250,418 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,577 total reads

 154,577 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top