371-pinalayang bilanggo ng BuCor: Trabaho at tahanan, panawagan ng Sangguniang Layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,718 total reads

Kasunod ng pagpapalaya ng higit sa 300 mga bilanggo ng Bureau of Corrections (BuCOr) sa iba’t ibang piitan sa bansa, hinikayat naman ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang mga simbahan at lokal na pamahalaan na bigyan ng trabaho ang mga bagong laya lalo na sa sektor ng pagsasaka.

Ayon kay Raymond Daniel Cruz Jr, pangulo ng Laiko, nawa ay mabigyan ang mga nakalayang bilanggo ng pagkakataon na muling makapagsimula ng payapang buhay sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamayanan.

Sinabi pa ni Cruz, ang mga bilanggo ay may malawak na karanasan sa pagtatanim lalo na ang mga namalagi sa penal farms.

“Mungkahi ko sa mga LGU at Dioceses na tatanggap sa kanila ay tingnan ang kalagayan nila at bigyan ng pagkakataon. Dahil marami sa kanila ay naglagi sa mga Penal Farms, may taglay silang lakas at galing sa pag-aalaga at pagtatanim. Gawin naman natin silang mga bayani ng kalikasan. Hayaan nating sa pagtatanim at pag-aalaga ng buhay madama nila ang kanilang mahalagang contribution sa bayan,” dagdag pa ni Cruz.

Panawagan din ni Cruz sa mga laiko na gawing misyon ang pagtulong at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga bagong layang bilanggo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tirahan at hanapbuhay.

“Sa mga Laikong merong negosyo at paraang bigyan ng tirahan at hanapbuhay ang mga ito, gawin natin itong misyon… ang paglalakbay tungo sa panibagong buhay sa bayan at sa Panginoon. “A Journey Towards New Life in Society and in the Lord!” Ayon pa kay Cruz.

READ:

https://www.veritasph.net/pdl-mahalaga-ang-buhay/

Una na ring napaulat na 371-bilanggo ang pinalaya ng Bureau of Corrections kung saan sa bilang ay 240-ang natapos na ang kanilang maximum sentence, 98-ang nabigyan ng parol, 31-ang pinawalang-sala habang ang 2-naman ay isinailalim sa probation.

Ang 191-bilanggo ay mula sa National Bilibid Prison, 37-mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, at 143 ay nagmula naman sa iba’t ibang correctional facility at penal farms.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,243 total reads

 2,243 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,206 total reads

 4,206 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,269 total reads

 12,269 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,647 total reads

 49,647 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,918 total reads

 80,918 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,684 total reads

 157,683 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,334 total reads

 251,333 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,017 total reads

 24,017 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top