Graduates ng Maritime courses, tinutulungan ng CBCP na makapagtrabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,699 total views

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na pakikiisa at pagkakaroon ng mga inisyatibo sa pagpapataas sa kalidad ng trabaho at pamumuhay ng mga Filipino Seafarers.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Vice-chairman, Stella Maris Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos at Stella Maris Manila Chaplain Father Paulo Prigol sa paggunita ng National Seafarers and Migrants Sunday.

Ipinaalala naman ni Bishop Santos sa mga Pilipinong Mandaragat at Migrante ang pagtutulungan at iwaksi ang inggit sa kapwa.

Nanawagan naman si Bishop Santos sa mga employers at nangangasiwa sa sektor na higit na pagpapabuti sa kalagayan ng mga migrante at seafarers.

“God is always there to serve us, God is always there to save us, do not grapple and bring down the laborers who worked hard for the food they worked, they should do their job diligently with what ability God has uniquely gifted us, Do not worry about the work of your co-workers that are lazy and doing nothing,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos na ipinadala ng Stella Maris Manila sa Radio Veritas.

Bukod sa pasasalamat ay ipinarating din ni Father Paulo Prigol – Stella Maris – Manila Chaplain at Regional Director of Stella Maris for South East Asia ang mensahe na sa tulong ng mga Seafarers ay naipagpatuloy ang kalakalan ng mga bansa higit noong pandemya.

Tiniyak rin ni Father Prigol ang pagtulong ng Stella Maris sa mga graduate ng Maritime courses na makapagtrabaho.

Kasabay ito ng pagkakaroon ng mga paralegal assistance para sa mga mandaragat na nagkakaroon ng suliranin sa kanilang trabaho at paghuhubog sa mga estudyante upang isabuhay ang mabubuting katangian ng mga Pilipinong mandaragat sa kanilang trabaho.

“No Shipping No Shopping, Thank you seafarers because during pandemic katulad ng mga sinasabi namin sa mga doktor, sa mga nurse ay thank you and why not? Pero perhaps we became more aware with no seafarers, nothing moves in the world because they move 90% of the good in the world so thank you for being a Filipino, thank you for bringing the Faith wherever they go regardless to the religion they belong to, pero lalo na ang mga katoliko,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Prigol.

Sa pinakahuling tala ng pamahalaan, aabot sa 400-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarers na parehong naglalayag sa domestic at foreign maritime industry na katumbas ng 20% sa bilang nga kabuoang mandaragat sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,664 total views

 48,664 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,533 total views

 44,533 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,735 total views

 80,735 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,422 total views

 89,422 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,615 total views

 114,615 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top