Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Green Thumb campaign, inilunsad sa Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

 262 total views

Pormal na inilunsad ang Green Thumb Campaign sa Lyceum of the Philippines University, Batangas City, sa pangunguna ng Archdiocesan Ministry on Environment (AMEN) ng Archdiocese of Lipa.

Sinimulan ang launching ng Lakadasal o Prayer Rally at sinundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ni Lipa Abp. Ramon Arguelles Chairman ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Abp. Arguelles, binigyang diin nito ang layunin ng Green Thumb Coalition kung saan kaisa ang Simbahang Katolika, na mapreserba ang kalikasan at mailayo mula sa tuluyang pagkawasak.

Dagdag pa ng Arsobispo, pinagpala ang lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng matatapang na mamamayang magtataguyod ng kalikasan, at magpapatingkad ng usapin sa suliraning pang kalikasan lalo ngayong nalalapit ang halalan.

“Alam naman natin na priority sa buong mundo ang kapaligiran natin preservation from destruction sapagkat nakikita natin kung panong ang industry, hindi naman masama yan, pero nakasisira sa ating atmosphere at sa ating mundo na ginawa ng Diyos, so we would like specially dun sa election at even beyond that na maging issue yan na dapat harapin ng lahat at ang Batangas ay parang napili siguro ng Panginoong Diyos na manguna d’yan na it will be beyond our provincial boarders sa buong Pilipinas yan and also sa buong mundo.” Pahayag ni Abp. Arguelles.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga kabataan, maging botante man o hindi na makialam, at makisangkot upang madala ang usaping pang kalikasan sa mga pulitikong umiiwas sa pagtalakay nito.

Ayon kay Abp. Arguelles sa pagpili ng makakalikasang pinuno, maiiwasan ang nakaambang pagiging 80% hanggang 90% dependent ng Pilipinas sa Coal Fired Power Plants.

Batay sa datos ng pamahalaan, may kakayahan ang Pilipinas na magtustos ng mahigit 200,000 MW na kuryente mula sa iba’t ibang renewable sources ng bansa.

Sa tala ang Pilipinas ay nagtataglay ng 76,000 megawatts hydropower, 10,500 geothermal at 236 megawatts solar energy.

Sa Encyclical na Laudato Si ng Santo Papa, hinimok ni Pope Francis ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga Fossil Fuels upang sa mga susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog sa mga Fossil Fuels.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 14,826 total views

 14,826 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 65,360 total views

 65,360 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 95,320 total views

 95,320 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 109,199 total views

 109,199 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 19,814 total views

 19,814 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 171,401 total views

 171,401 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 115,247 total views

 115,247 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567