Guidelines sa incumbent officers ng simbahan na tatakbo sa BSKE elections, inilabas ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,054 total views

Naglabas ng mga alituntunin at panuntunan ang Diyosesis ng Malolos bilang gabay sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nasasaad sa liham sirkular ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na inilabas noong ika-10 ng Agosto, 2023 ang atas para sa lahat ng mga opisyal at kasapi ng iba’t ibang church organization sa diyosesis na nagnanais na tumakbo para sa anumang posisyon sa halalang pambarangay.

Ayon sa sirkular nanarapat na pansamantalang magbitiw sa katungkulan at magpaalam sa kanilang kinabibilangang mga organisasyon ng Simbahan ang mga nagnanais na tumakbo sa anumang posisyon sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“All incumbent officers and members of different church organizations who wish to be elected as public officials should file a leave of absence addressed to their respective parish priests.” Ang bahagi ng sirkular ni Bishop Villarojo.

Paliwanag ng Obispo, bagamat suportado ng Simbahan ang aktibong partisipasyon ng mga layko sa usapin ng politika at pamahahala sa bansa ay mahalaga namang maiwasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng kalituhan pagdating sa paggamit ng kapangyarihan sa simbahan at sa anumang posisyon o katungkulan sa pamahalaan.
Pagbabahagi ni Bishop Villarojo, isa rin itong paraan upang maiwasan ang kontrobersiya ng pagiging patas ng Simbahan sa usapin at larangan ng pulitika sa bansa.

“In this regard, we wish to guard our faithful against possible accusations of using the church for partisan exercise.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.
Umaasa naman ang Obispo na ganap na isabuhay ng mga tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa barangay ang mga aral at turo ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaan, katarungan at ang makabubuti sa mas nakararami o ang common good.

“We hope that our brothers and sisters who seek to be elected as public officials will bring with them the values of Christ in this wonderful venture, prioritizing the common good, justice, peace, with a love of preference for the poor and in the spirit of Christian service.” Ayon pa kay Bishop Villarojo.

Batay sa Calendar of Activities ng Commission on Elections (COMELEC) magsisimula ang election period para sa halalang pambarangay sa August 28, 2023 kung saan maari ng maghain ng Certificate of Candidacy ang sinumang nagnanais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 32,822 total views

 32,822 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 38,951 total views

 38,951 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 69,093 total views

 69,093 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 89,075 total views

 89,075 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 108,732 total views

 108,732 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 7,371 total views

 7,371 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,297 total views

 7,297 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top