Pakikipagtulungan sa pamahalaan, pina-igting ng cbcp-echc

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,319 total reads

Pinaiigting ng healthcare commission ng simbahan ang pakikipagtulungan sa pamahalaan upang maipalaganap ang wastong kaalaman upang malunasan ang mga nakahahawang sakit tulad ng Tuberculosis (TB) at Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Heath Care executive secretary, Camillian father Dan Vicente Cancino, lubhang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng kaso ng TB at HIV sa bansa na marahil sanhi rin ng kakulangan sa kaalaman ng publiko sa dalawang karamdaman.

“Habang ang ibang bansa ay bumababa ang mga kaso ng TB at HIV, tayo naman ay tumataas pa rin ang mga kaso. Itong dalawang sakit na ito ay hindi mo mapaghihiwalay dahil kadalasan sa mga may HIV ay may opportunistic infection na TB. May mga kaso tayo na ang kanilang presenting problem ay ang TB, ‘yun pala ay bumaba ang kanilang resistensya dahil sila ay may HIV,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Cancino na sinisikap ng simbahan na maabot ang mga pamayanan upang maipalaganap ang mga dapat isaalang-alang sa iba’t ibang nakahahawang sakit tulad ng TB at HIV.

Inaatasan ng CBCP-ECHC ang mga healthcare ministry ng bawat arkidiyosesis at diyosesis sa bansa na magsagawa ng proper information dissemination at capacity-building sa Basic Ecclesial Communities.

“Dahil sa proper information, ‘yung kamalayan at kaalaman, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakaintindi ang tao kaya tuloy nagpapa-test siya, nag-a-access ng services. Napapataas natin ‘yung mga nahahanap nating mga kaso dito sa dalawang sakit na ito. Ire-refer natin sila ngayon doon sa mga TB DOTS facilities, sa ating mga treatment hubs para magpa-test at mabigyan ng gamot,” ayon sa pari.

Dagdag pa ng pari na isinusulong din ng komisyon ang ‘cough-to-cure pathway’ na layong gabayan ang mga mayroong sintomas ng TB tungo sa ganap na kagalingan.

“Ibig sabihin, step-by-step ay aalalayan natin ang ating kapwa na gumaling at habang sila ay naggagamutan, sasamahan mo pa rin. Kasi mahalagang masunod ang anim na buwang gamutan ng TB para hindi maging multi-drug resistant na maaaring humantong sa hindi tuluyang paggaling sa sakit,” dagdag ni Fr. Cancino.

Pinalalawak pa ng CBCP-ECHC ang Samahan ng Lusog-Baga na binubuo ng mga pasyenteng gumaling sa TB upang higit pang mapaigting ang kamalayan ng publiko sa nakahahawang karamdaman.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,698 total reads

 3,698 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,132 total reads

 56,132 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,498 total reads

 141,498 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,234 total reads

 188,234 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,106 total reads

 236,106 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,329 total reads

 337,329 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,897 total reads

 169,897 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top