Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DISASTER AND SOCIAL ZONE NEWS

Mamamayan, hinimok na suportahan ang Fast2Feed campaign ng Pondo ng Pinoy

 27,201 total views

17 taon na ang Diocese of Antipolo na nagsasagawa ng feeding program sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Mona Valencia ng Social Action Center ng Diocese of Antipolo sa pagpapatuloy ng kanilang programa para sa bata na kulang sa timbang at mga nanay na nagpapasuso.

Ipinagmalaki ni Valencia na umaabot sa 1,600 na mga kabataan at mga nanay ang kanilang nasuportahan ng masustansiyang pagkain sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

“17 years na namin itong ginagawa. Since 2006, kaya ito ay isang konkretong programa na ini-aalok namin sa mga Parokya. kumbaga ay subok na natin. Kabisado na natin yung takbo at ang nakakatuwa nito, nakikita natin yung suporta ng mga Pari. Lalong lalo na ngayong panahon ng mahal na araw.” pahayag ni Valencia sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Hinikayat ni Valencia ang mga mananampalataya na suportahan ang Fast2Feed Campaign ng Pondo ng Pinoy ngayong panahon ng kuwaresma upang lalo pang mapagtibay ang nasabing programa ng Simbahan na tinatawag na HapagAsa.

layunin ng Fast2Feed na makalikom ng pondo mula sa mga natitipid ng mga mananampalataya mula sa pag-aayuno sa apatnapung-araw ng kuwaresma.

“Sa ngayon, talagang pino-promote natin yung Fast 2 Feed dahil nga ngayon ay mahal na araw. Ito yung pagkakataon na pagbibigay suporta sa ating programa”dagdag pa ni Valencia, ang lay Coordinator ng HapagAsa Program sa Diocese of Antipolo.

Naunang hinikayat ng Simbahang Katolika ang mga Katoliko na ang kanilang mga maiipon mula sa pag-aayuno o pagliban ng isang kain sa isang araw ay ibahagi para sa mga nagugutom sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programa tulad ng HapagAsa.

Maliban sa Diyosesis ng Antipolo ay aktibo rin sa pagpapatupad ng kahalintulad na programa ang iba’t-ibang Diyosesis sa Metro Manila at maging sa mga probinsya sa Pilipinas.

Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

 27,449 total views

Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma.

Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga kabataang malnourished at mga pamilya na walang kakayanang kumain ng tatlong beses kada araw.

Kasabay ng paglulunsad ng grupong Scholars of Sustenance o SOS sa Pilipinas kung saan isa si Fr. Pascual sa mga pangunahing panauhin, sinabi nito na handa ang Simbahang Katolika na makipagtulungan sa gobyerno o iba’t-ibang grupo upang sugpuin sa suliranin sa pagkagutom.

“Alam natin nasa 30% ng mga bata ay malnourished, sila ay nasa 5 years old and below. [Dapat] mabigyan ng tugon ang kagutuman sa pamamagitan ng kawang-gawa ng iba’t-ibang sektor. Sa pamumuno ng gobyerno, nariyan ang Caritas Manila, nariyan din ang mga Corporate Foundation na pwedeng magtulong-tulong at maiwasan natin ang pagtatapon ng pagkain.” pahayag ni Fr. Pascual

Inihayag ng Pari na ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng kawang-gawa kung saan sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting ay maaring makatulong naman sa mga nagugutom.

“yung Almsgiving po ay isang napakagandang paraan ng pagbabalik loob sa Diyos at ibigay po natin ito sa mga Simbahan tulad ng Caritas Manila, na malikom ang inyong mga pondo o mga in kind [donations] at itulong po natin sa mga nagugutom at malnourished na mga bata sa panahong ito” paghihikayat ni Fr. Pascual.

Ipinaalala din ni Fr. Pascual ang naging pahayag ni Pope Francis laban sa ‘throw away culture’.

Magugunitang minsang sinabi ng Santo Papa na isang kahihiyan o pagmamalabis sa mga mahihirap ang pag-aaksaya ng pagkain sapagkat marami ang nagugutom at walang kakayanan na kumain ng sapat.

“Ang kagutuman at malnutrisyon ay hindi dapat nakikita sa isang sibilisadong bansa at sa isang Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas. kaya’t kailangan tayong magtulungan.”dagdag pa na paalala ni Fr. Pascual.

batay sa datos ng DOST- Food and Nutrition Research Institute, umaabot sa 1,717 metric tons ng pagkain ang nasasayang kada araw sa Pilipinas sa kabila ng aabot sa tatlong milyong mga Pilipino ang nakakaranas ng kagutuman o pagkain lamang ng isang beses kada araw.

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 36,374 total views

Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental.

Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa mga apektadong pamilya.

“kanina nagpunta na ako sa grocery nakatanggap ako ng worth P200,000 galing sa Caritas Manila, salamat po sa Caritas Manila kay Rev. Fr. Anton [Pascual] at sa mga supporters ng Caritas [Manila] Salamat po sa inyo” mensahe ni Fr. Osmeña sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa Pari, marami pa din sa mga naapektuhan ng pagbaha ang nananatili ngayon sa mga evacuation center at posibleng dito na abutin ng paglipat ng taon.

“Nandito na kami sa phase na nakuha na namin yung data kung ilan so far yun ibang mga tao hinay-hinay bumabalik na sa kanilang mga bahay pero mas marami ang hindi pa nakabalik kasi totally destroyed at yun iba partially destroyed ang bahay nila marami pa din putik sa may tatlong municipality dito sa Misamis Occidental.” pahayag ng Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis.

Nakikita ng Arkidiyosesis ang magiging pangangailangan ng mga apektadong residente sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Apela ni Fr. Osmeña ang patuloy na dasal ng mga mananampalataya para sa mga biktima ng pagbaha lalo na sa kanilang magiging pagbangon.

Sinimulan naman ng Caritas Manila ang donation drive nito upang lalo pang makatulong sa Misamis Occidental.

Para sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong o donasyon ay maaring makipag-ugnayan sa numerong 8562 0020 hanggang 25 local 118, 13 o sa mobile number na 0917 595 5083.

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 28,129 total views

Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022.

Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng public service program nito na “Caritas in Action” kung saan ipinamahagi ang tig-P150 libong piso sa bawat diyosesis sa Mega- Manila.

Bawat napiling pamilya ay makakatanggap ng tig-isang libong piso na GC’s kung saan maari ipamalit o ipamili ng mga benepisyaryo sa isang kilalang grocery store sa bansa.

Ang mga katuwang na Diyosesis ay ang Archdiocese of Manila, Diocese of Cubao, Diocese of Kalookan, Diocese of Novaliches, Diocese of Pasig at ang Diocese of Parañaque mula sa sa National Capital Region.

Napabilang din sa mapagkakalooban ang Diocese of Malolos sa Bulacan, Diocese of San Pablo sa Laguna, Diocese of Imus sa lalawigan ng Cavite at ang Diocese of Antipolo para sa lalawigan ng Rizal.

Ang isang libo at limang daan pamilya na mapagkakalooban ng mga GC’s ay mga mahihirap na maituturing na poorest among the poor o kumikita lamang na mababa pa sa isang libong piso.

Naniniwala ang pamunuan ng Radyo Veritas 846 at Caritas Manila na ang ayudang ito ay bahagi lamang ng patuloy na pagsusumikap ng Simbahang katolika na makapagbahagi ng tulong at pag-agapay sa mga higit na nangangailangan.

Una nang inihayag ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na ang paggunita ng World day of the poor ngayong taon ay isang hamon sa mga mananampalataya na suriin ang kanilang mga sarili mula sa iba’t-ibang anyo ng kahirapan na kinakaharap sa kasalukuyan.

Isabuhay ang pakikilakbay sa mahihirap, hamon ni Cardinal Advincula sa mga pari

Umaasa si Cardinal Advincula na ang World Day of the Poor ay tunay na magiging makahulugan sa bawat mananampalataya katoliko bilang pagkilala sa katagang ‘Church of the Poor’ ang Simbahang katolika.

“The World Day of the Poor should be the beginning and culmination of all our services to the poor as a Church of the Poor because for our sake, Christ became poor.” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Magugunitang sa kasagsagan ng Covid19 pandemic ay umabot sa 1.3 milyong pamilya ang nakinabang sa ayuda ng Caritas Manila para sa mga mahihirap at mga frontliners.

Unang namigay ng P690, 000 na halaga ng mga gift certificates ang Radyo Veritas kasabay naman ng pagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila.

Ang Caritas Manila at Radyo Veritas na kapwa nasa ilalim ng pamamahala ng Archdiocese of Manila ay patuloy na nagtutulungan para gumawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga may sakit at mga naapektuhan ng kalamidad.

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 36,103 total views

Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng.

katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.

Ayon kay Rev. Fr. Clifford Baira, Social Action Director ng Archdiocese of Cotabato, malaking tulong ang ipinadala ng Caritas Manila at Coca cola Foundation para maibsan ang kagyat na pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Hindi naging balakid sa grupo ni Fr., Baira ang mahirap na daan at layo ng mga baryo kung saan naghatid sila ng nasa 500 food bags sa bayan ng North at South Upi ganun na din sa Datu Piang, Maguindanao.

“Nasa biyahe po kami ngayon kahapon nasa North Upi Maguindanao kami papasok naman kami sa South Upi. We gave almost 200 bags [kahapon] then 300 bags for today in other areas. South Upi and Datu Piang” bahagi ng mensahe ni Fr. Baira habang tumutungo sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Mindanao.

Matatandaang una na din nagpadala ng tulong ang Caritas Manila para sa mga lalawigan ng Capiz, Antique at Aklan na labis din ang mga pagbaha dahil sa bagyong Paeng
.
Tinatayang umabot sa mahigit P1.7 Milyong piso na ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinaka-naapektuhan ng bagyong Paeng.

Dahil dito magsasagawa ng Special Telethon ang Caritas Manila katuwang ang Radyo Veritas sa araw ng lunes, ika-7 ng Nobyembre upang palakasin pa ang kagustuhan nito na makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Gaganapin ang Telethon mula alas siyete ng umaga hanggang alas dos ng hapon sa himpapawid ng Radio Veritas 846 khz habang ipagpapatuloy naman ito online sa Facebook page na DZRV 846 at Caritas Manila Inc. mula alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Pangungunahan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang isasagawang Telethon kung saan mapapakingan at mapapapanood din ang mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis ng naapektuhan ng bagyo.

ang lahat ng makakalap na donasyon sa nasabing Telethon ay ibubuhos para sa mas malawak na pagtugon ng Caritas Manila sa relief and recovery programs sa mga apektadong lalawigan.

Para sa nais magbahagi ng tulong, maaring tumawag sa Caritas Manila hotline number 8562 4269 o sa mobile number na 0905 428 5001 at 0967 276 4806.

 

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 36,020 total views

Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi.

Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa Diyos na naging ligtas sa kapahamakan dulot ng paglindol ay nagsasagawa na sila ng post disaster assessment sa mga lugar na pinaka-naranasan ang pagyanig.

“Sa ngayon po awa ng Diyos ay okay kami in general pero mayroon pa din mga naapektuhan na grabe at sila po ang may pangangailangan. Minor damages lang po sa mga Simbahan [bagamat] may isang Simbahan na hindi makakapag-celebrate ng misa kasi delikado [yung] pader nila.” mensahe ni Fr. Pillos sa Radyo Veritas.

Ang nasabing Simbahan ay ang St. John Bosco Parish na matatagpuan sa bayan ng Dingras, sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Fr. Pillos na na maglalabas ng ulat ang Diyosesis oras na makumpleto ang kanilang assessment at magsasagawa ng agarang pagtulong para sa mga apektadong residente kung kinakailangan.

Samantala, kumilos na din ang Archdiocese of Nueva Segovia sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Nueva Segovia upang alamin ang naging epekto ng lindol sa lalawigan ng Ilocos Sur
ayon sa mensahe ni Rev. Fr. Danilo Martinez ang Direktor ng nasabing tanggapan.

“We are okay pero we are waiting for the reports coming from the different Parishes” mensahe ni Fr. Martinez sa Radyo Veritas.

Samantala, sa lalawigan ng Abra kung saan naitala ang epicenter ng lindol ay walang naitalang matinding pinsala sa kasalukuyan ayon sa Social Action Director ng Diocese of Bangued na si Rev. Fr. Jeffrey Bueno.

Magugunitang ang lalawigan ng Ilocos Sur at Abra ang mga pinaka-naapektuhan ng naganap na magnitude 7 Earthquake noong Hulyo ng kasalukuyang taon kung saan 11 ang naitalang nasawi at nasa mahigit 600 na nasugatan.

Naganap ang magnitude 6.7 Earthquake isang minuto bago mag-alas onse ng kagabi kung saan naitala ang epicenter sa bayan ng Tineg Abra at naramdaman ang Intensity 5 na pagyanig sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur habang Intensity 4 naman sa Baguio City.

Naramdaman din ang lindol sa lalawigan ng Isabela, Nueva Viscaya, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Rizal, at Quezon.

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 25,269 total views

Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Rowena Gabuya, ang program coordinator ng Pondo ng Pinoy sa lalawigan ng Biliran sa programang Caritas in Action.

Ayon kay Gabuya, ilang mga lingkod ng Simbahan na siya rin mga magsasaka ang nakikinabang ngayon sa kanilang proyekto katuwang ang Pondo ng Pinoy.

“Ito po ay ginawan namin ng proposal at nabigyan kami ng pondo ng Pondo ng Pinoy ito ay naglalayon i-angat ang pagiging produktibo ng ating mga Lay Ministers na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance. ang halaga na binigay ng Pondo ng Pinoy ay umabot sa P300,000” pagbabahagi ni Gabuya.

Tinatawag ang proyekto na Lowland Rice Production of Lay Ministers Farmers Association o LAYMIFAS Kung saan sa loob ng isang taon ay susuportahan ng Pondo ng Pinoy at ng Diyosesis ang 2 beses na pag-tatanim ng mga benepisyaryong magsasaka.

Aminado si Gabuya na pagsasaka pa din ang pangunahing hanapbuhay sa kanilang lalawigan.

“Ang maganda lang po sa aming lugar kapag may mga ganitong sitwasyon hindi nawawala ang pagdarasal sa Diyos… hindi po ito mawawala sa amin kahit anong hirap ang mga tao tumutugon sa Simbahan at sa Diyos.” pahayag ni Gabuya.

Nagpapasalamat ang Ginang at ang Diyosesis ng Naval sa mga patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa Pondo ng Pinoy na mula sa mga bentesingko sentimos ay nakakapagdulot ng malaking tulong sa mga higit na nangangailangan.

“Sa mga nagbibigay na, kami po sa Diocese of Naval ay kumakatok sa inyong mga puso na ipagpatuloy ang pag-popondo at pagbbigay ng mga barya para sa ating mga kababayan, sa mga kabataan at sa mga Pamilya na nagangailangan para ipagpatuloy na makamit ang kaganapan ng buhay.” pagtatapos ni Gabuya.

Magugunitang taong 2004 nang simulan ni noo’y Manila Archbishop Gaundencio Cardinal Rosales ang Pondo ng Pinoy kung saan tinitipon ang gma bente singko sentimos at ginagamit sa mga programa para sa mga mahihirap.

700K na GC, ipinamigay ng Radio Veritas at Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

 25,209 total views

Mahigit 700 daang libong piso na halaga ng ayuda ang ipinamimigay ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa mga mahihirap ngayong buwan ng Oktubre 2022.

Kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila, inilunsad ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ang pamamahagi ng 690 na gift certificates na nagkakahalaga ng P1,000-piso para sa bawat pamilya

Ang mga tagapakinig o tagapanood ng CIA program ay maaring mag-text ng kanilang mga napiling benepisyaryo na pagkakalooban ng gift certificates na dadaan sa pagsusuri ng mga social workers ng Caritas Manila para matiyak na mayroong pangangailangan o napapabilang sa mga poorest among the poor.

Ayon kay Radio Veritas Vice President for Operations Rev. Fr. Roy Bellen, patunay lamang ang inisyatibong ito ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa kagustuhan ng Simbahan na makatulong sa mga mahihirap sa maliliit na pamamaraan.

“Mahalaga ang mga simpleng kawang-gawa [na] ito ng Simbahan. hindi man significant o pang-matagalan ang materyal na epekto nito, makatutulong pa din ito sa mga may agarang mga pangangailangan. It brings across the message that in any way the [Catholic] Church can help no matter how small, handa itong tumulong.” mensahe ni Fr. Bellen.

Sinabi din ni Fr. Bellen na isa lamang ang pagbibigay ng mga ganitong ayuda sa marami pang programa na ginagawa ng Simbahang Katolika para sa mga mahihirap at nangangailangan na naglalayong baguhin ang kanilang kalagayan.

Sinabi ng pari na kailangan din ang kooperasyon at pakikiisa ng mga nakakatanggap ng tulong upang maging matagumpay ang programa ng Simbahan na maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

“Bukod sa ganitong mga immediate at short- term interventions, patuloy din na nagsasagawa ang Simbahan ng mga programang pang-matagalan, sustainable at empowering sa mga kapatid nating nangangailangan.Nangangailangan din ito ng cooperation at pagsusumikap sa panig ng mga beneficiaries, para maging mabunga. We hope hindi lang mga short term assistance ang hangarin nila kundi mas maganda sana na makiisa sila sa pagsusumikap ng Simbahan na maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.” dagdag pa ng Pari na siya rin namumuno sa Ministry on Social Communication ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Ang Programang Caritas in Action ay napapakinggan sa Radyo Veritas mula lunes hanggang Biyernes tuwing ala-una hanggang alas-dos ng hapon at napapanood din sa Facebook page na Veritas846.ph at sa Sky cable channel 211.

Magugunitang nasa 1.3 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila noong kasagsagan ng paglaganap ng Covid19 noong taong 2020 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gift certificates sa iba’t- ibang lungsod at probinsya sa Pilipinas.

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 28,319 total views

Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road.

Kinumpirma ito ni Rev. Fr. Apol Dulawan, Sac Director ng Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe.

“Buong gabi umulan dito pero wala namang hangin dala. May mga landslides lang dito pa ako [ngayon] sa Tinoc, Hindi makalabas dahil may landslides naghihintay na malinisan” Ayon kay Fr. Apol Dulawan.

Sinabi naman ni Rev. Fr Jorge Manisem, Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Tabuk na ligtas naman ang Kalinga-Apayao.

“Kalinga is okay, sikat na po ang araw ngayon, ordinaryong ulan lang naman po kagabi at walang hangin na kasama”

Sa Southern Luzon, nagsasagawa na ng rapid assessment ang Archdiocese of Lipa bagamat umaasa ito na na walang masyadong naapektuhan sa lalawigan ng Batangas.

“We are doing our assessment right now pero dahil hindi naman malakas ang ulan at hangin dito kahapon at kagabi mukhang wala namang masyadong naapektuhan” pahayag ni Rev. Fr. Jayson Siapco, Direktor ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission.

Sa Diocese of Gumaca, Quezon ay wala rin naitalang malaking pinsala o paglikas ng mga residente.

Gayunpaman nagsagawa pa din ng assessment ang Social Action Center ng Diyosesis upang alamin ang kalagayan ng mga residente.

“As of today, okay naman ang vicinity ng Gumaca [Diocese]. on -going pa ang aming assessment.” mensahe ni Rev. Fr. John Paraon.

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 28,076 total views

Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation.

Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Bello na itinayo ang MRF na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mga residente lalo na sa mga kababaihan, sa pamamagitan ng pagtitipon at pagpili ng mga basurang maari pang pakinabangan at maibenta.

Ayon kay Bello, bukod sa napagkakakitaan ay nakakatulong din ang proyekto na mabawasan ang mga basurang itinatapon sa mga dump site.

“Nakakatuwa po bagamat basura lang ito pero sobrang laking tulong. Hindi namin inasahan na ganito ang magiging tagumpay ng programa kaya nagpapasalamat ako sa lahat sa ‘sponsors’ ng programa, sobrang laking tulong po nito sa komunidad ng Baseco at sa mga beneficiaries,” ayon kay ni Bello sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Sinabi din ni Bello na malaki ang suliranin ng kanilang komunidad sa basura lalo na’t marami pa rin ang hindi nagpapatupad ng waste segregation, kaya’t nakatulong ang MRF na maitaas ang antas ng kamalayan ng mga residente sa waste management.

Sa Republic Act 9003-mandato ng mga lokal na pamahalaan na magtayo ng Material Recovery Facility upang makatulong na mabawasan ang mga basura.

Batay sa datos, 13-libong pamilya ang naninirahan sa BASECO Maynila na ang malaking bilang ng populasyon ay maituturing na mahihirap.

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 27,947 total views

Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy.

Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program.

Sinabi ni Mo. Camille na ang adhikain ng Pondo ng Pinoy ay tunay na kumakatawan sa ebanghelisasyon patungo sa kaganapan ng buhay.

“Sa akin pong karanasan ang Pondo ng Pinoy ay naka-ugat at kumakatawan sa napapanahon na ebanghelisasyon tungo sa kaganapan ng buhay o yung tinatawag natin na fullness of lfe, ito ay kasabay ng pagbuo ng ating buhay na nahuhubog ang buhay tungo sa pagtugon at pagbabahagi na nagmumula sa maliit subalit nagiging bahagi ng pang araw-araw na adhikain” pahayag ni Mo. Camille sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Isa sa mga programa na tinututukan ng Diocese of Ilagan katuwang ang Pondo ng Pinoy ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na kabataan na makapag-aral.

Nagagalak ang Madre sa resulta ng kanilang mga programa kung saan nakapagpatapos sila ng cum laude sa kolehiyo.

“isa pa sa program na naisusulong namin na nagiging matingkad ngayon ay nakiktia namin ang mga mahihirap na bata na nagkaroon ng privilege na makapag-aral, meron kaming allocation na binibigay ng Pondo ng Pinoy taon-taon na na-convert namin ito na magamit sa scholarship program… Nitong nakaraang taon meron tayong 13 scholar kung saan sampu ang nasa kolehiyo at 3 ang nasa High school, mayroong dalawa doon sa College na naging Cum Laude” masayang pagbabahagi ni Mo. Camille.

Umapela ang Madre sa mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang Pondo ng Pinoy kung saan ang natitipon na maliliit na halaga ay nagiging malalaking proyekto lalo na para sa mga mahihirap.

Magugunitang ang Pondo ng Pinoy ay sinimulan taong 2004 ng noo’y Manila Archbishop Cardinal Gaudencio Rosales kung saan nililikom nito ang mga bente sentimos sa mga Parokya o Paaralan upang itulong sa mga programa para sa mga mahihirap.

Social arm ng bawat diyosesis sa Norte, nakaantabay sa epekto ng bagyong Florita

 24,941 total views

Patuloy na nakaantabay ang social arm ng simbahan sa Northern Luzon sa posibleng epekto ng Tropical Storm Florita.

Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas 846 sa mga kinatawan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan at Diocese of Ilagan sa Isabela, nanatili ang paghagupit ng bagyo sa kanilang mga lalawigan.

Ayon kay Mo. Camille Marasigan FDSP, malakas at panay ang pag-ulan sa Isabela kaya’t ilan sa mga kalsada at tulay ang hindi na madaanan dahil sa pagtaas ng tubig.

“Malakas ang ulan at lumakas ang hangin, non passable na ang mga overflowing bridges na iba’t-ibang area ng Isabela, canceled na din ang pasok ng paaralan at eskwela [dito]”. Bahagi ng mensahe ni Mo. Camille sa Radyo Veritas.

May 35-pamilya naman ang nagsilikas sa Taytay Bantay Cagayan ayon kay Fr. Gerry Perez ng Archdiocese of Tuguegarao.

Hiling naman ni Fr. Hugo Jose Aggabao ang panalangin para sa kaligtasan ng mamamayan lalo’t inaasahan ang paglandfall sa bayan sa Peñablanca, Cagayan ng bagyong Florita.

“We are hoping and praying na maging safe ang aming mga Parishioners,” apela ni Fr. Aggabao.

Sa huling tala ng PAGASA, nag-landfall na ang bagyong Florita sa Maconacon, Isabela at patuloy na binabagtas ang direksyon pa hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Storm Signal Number 3 sa ilang bahagi ng Isabela at Cagayan habang nasa Storm Signal number 2 at Storm Signal Number 1 ang ilan pang mga probinsya sa Northern at Central Luzon.

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 35,740 total views

Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Unang nagpadala ang Caritas Manila ng mahigit sa P2.29-milyong pisong halaga ng mga non-food items na agad inihatid sa dalawang Diyosesis matapos ang naganap na paglindol sa tulong ng Radyo Veritas 846.

Read Story: 2 truckloads na tulong, ipapamahagi ng Caritas Manila sa Northern Luzon quake victims

Nagpapasalamat naman ang mga lider ng 2 Diyosesis na labis na napinsala ng lindol sa maagap na pagtugon ng Caritas Manila.

“Una sa lahat pasasalamat lalo na sa Caritas Manila. Ito yung unang damdamin ko pasasalamat sa pakikiisa nyo sa amin. Talaga po itong nararanasan namin ngunit ito ay hindi inaasahan ang pagdating ninyo ay pagpapatunay sa sinasabi ng Santo Papa na nagkakaisa tayong naglalakbay, kapanalig, mga kalakbay sa buhay maraming salamat po” mensahe ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian sa tulong ng Caritas Manila.

“Fr. Anton [Pascual] thank you! you called us after the earthquake at tinanong kung ano ang pwedeng maitulong ninyo at alam namin na nandiyan kayo na handang tumulong nagpapasalamat kami through Caritas [Manila], ito ulit ang appeal namin sana tuloy pa din ang tulong ninyo para sa aming mga Kaparian” mensahe naman ng Arsobispo ng Nueva Caceres Archdiocese na si Archbishop Marlo Peralta.

Hinimok din ni Arhbishop Peralta ang mga mananampalataya na patuloy na magpamalas ng pagtutulungan lalo na sa mga ganitong uri ng pagsubok.

Sinabi ng Arsobispo na ang pagtulong ay hindi lamang nasusukat sa laki ng kakayanan ng tumutulong kundi mas higit sa pamamagitan ng kagustuhan nito na makatulong.

“yung Christian responsibility natin ay magtulungan talaga ngayon sa pagtutulungan hindi lang sana yung may kaya, kailangan din maski yun mga tao na kahit sabihin nila na medyo hirap din ang buhay nila mas mahalaga pa ang tulong nila kung ang kapwa mahirap tumutulong sa kapwa mahirap ito ang mahalagang tulong sa mata ng Diyos.” Dagdag pa ni Archbishop Peralta.

Batay sa datos umabot sa mahigit P1.8 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng naganap na lindol sa mga lalawigan sa Luzon habang umabot na sa 11 ang nasawi at nasa mahigit 600 ang nasugatan.

Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

 25,062 total views

Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra.

Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules.

Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator ng Social Action ng Diocese of Laoag, bukas ay inaasahan na tutungo ang kanilang grupo sa Diocese of Bangued para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Sinabi ni Nieto na tugon ito sa kagustuhan ni Laoag Bishop Renato Mayugba na agad na magbahagi ng pagdamay at pakikiisa sa kanilang karatig lalawigan na napinsala ng paglindol.

“nagpe-prepare na kami ng goods, mamaya magsisimula na kami na mag-repack, sa Abra muna ang target ni Bishop [Mayugba] bukas, may dalawang Pari na kasama yun isa yung Assistant Program Director namin dito [Social Action]” pahayag ni Nieto sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Mother Mary Peter Camille Marasigan FLDP ng Diocese of Ilagan sa Isabela na magbabahagi din sila ng tulong sa mga lalawigan na napinsala ng lindol.

Ayon kay Mo. Camille, ipinag-utos na ni Bp. David William Antonio ang pagsasagawa ng second collection sa 43 Parokya sa Diocese of Ilagan para ipangtulong sa mga karatig Diyosesis na napinsala ng Magnitude 7 earthquake.

“Mag-second collection kami sa Sunday sa lahat ng Parokya yan ang una instruction ni Bishop [Antonio], kahit naman noong nagkaroon ng landslide sa Ifugao nagpadala din kami ng tulong na kaunti, ngayon hihintayin lang namin hanggang Sunday” pahayag ng Madre sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagamat napapasalamat si Mo.Camille na hindi na nagdulot pa ng pinsala ang lindol sa kanilang lalawigan ay nagpapahayag naman sila ng pagdarasal at pakikiisa sa mga apektadong pamilya partikular na sa Diocese ng Bangued at Archdiocese of Nueva Segovia.

Magugunitang una nang umapela ng tulong ang dalawang pinaka naapektuhan Diyosesis sa Northern Luzon para sa ano mang tulong at donasyon.

See: https://www.veritasph.net/simbahan-sa-northern-luzon-umaapela-ng-tulong/

Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

 25,126 total views

Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol.

Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan ng pagtulong.

Aminado si Fr. Bueno na malaking pinsala ang iniwan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra kaya’t hindi magiging madali ang pagsisimula ng relief intervention ng Diyosesis na halos nasira din ang maraming imprastraktura, kapilya, at paaralan.

“Tinignan namin yun talagang affected na Churches yun mga school na sakop ng mga Parokya i-fofocus natin sa kanila yung ating intervention then may mga na-identify na kam ina pwedeng pagdalhan ng food packs, bukas ng umaga yung Social Action ng mational may pupunta na team dito at magdadala na din ng food packs.”Pahayag ni Fr. Bueno sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na ipapadaan nila sa mga Parokya at Kura Paroko nito ang tulong na kanilang ipaabot para sa mga apektadong residente.

“Sa mga Parishes in coordination with the Parish Priest para sila naman ang mag-identify ng mga nangangailangan doon sa areas nila, lalo na sa mga far-flung areas we will be dropping [goods] sa Parishes then they can help us to identify [beneficiaries]” dagdag pa ng Direktor ng Social Action ng Bangued Abra.

Bukas naman ang Diocese para sa ano mang tulong pinansiyal na nais ipaabot ng mga mananampalataya para makatulong sa kanilang gagawing relief operation.

Batay sa una nang panayam ni Fr. Bueno sa programang Veritas Pilipinas, sinabi nitong 24 na Parokya sa 27 Munisipalidad ng Abra Province ang napinsala ng lindol.

Para sa ano mang tulong o donasyon maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued o kaya ay mag-deposito sa bank account na; PNB Savings Account Name: Roman Catholic Bishop of Bangued, account number; 222-6100831-94

Scroll to Top