VeritasPH

The Word, The Truth

Hamon sa bagong kalihim ng DA

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Mga Kapanalig, si President-elect Ferdinand “Bong-bong” Marcos, Jr. mismo ang uupong kalihim ng Department of Agriculture (o DA) sa pagpasok ng kanyang administrasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataong pangulo mismo ng bansa ang magiging kalihim ng isang kagawaran. Si Carlos P. Garcia ay naging secretary ng Department of Finance, si Ferdinand Marcos, Sr. sa Department of National Defense, si Gloria Macapagal-Arroyo sa Department of Foreign Affairs at National Defense din, at si Joseph “Erap” Estrada at Bengino “Noynoy” Aquino III sa Department of the Interior and Local Government. Gayunman, marami ang nagulat sa inanunsyong ito ni President-elect Marcos, Jr.

Mahalaga ang papel ng kalihim ng isang kagawaran. Sa DA, susi ang posisyong hahawakan ni President-elect Marcos, Jr. upang maihaon sa kahirapan ang maraming magsasaka, mangingisda, at maging mga negosyanteng umaasa sa agrikultura. Ang mga magsasaka at mangingisda ay ang pinakamahihirap na sektor sa bansa. Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018, 31.6 ang poverty incidence o porsiyento ng mga mahihirap na magsasaka. Samantala, 26.2 naman ang poverty incidence ng mga mangingisda. Nakalulungkot ito dahil sila pa naman ang nagbabanat ng buto upang may pagkain tayong maihain sa ating mga mesa.

Hindi raw lingid sa kaalaman ni President-elect Marcos, Jr. ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Nariyan ang nagbabadyang kakulangan ng pagkain o food shortage, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain, at pagkatalo ng mga magsasaka at mangingisda sa mga imported na produktong agrikultural. Apektado rin sila ng mataas na presyo ng petrolyo. Ang mga ito raw ang dahilan kung bakit importanteng ang presidente mismo ang mamuno sa DA.

Magkakaiba ang naging pagtanggap ng mga grupo mula sa sektor ng agrikultura sa pagiging kalihim ng DA ni President-elect Marcos, Jr. May mga grupong katulad ng Samahang Industriya ng Agrikultura (o SINAG) na itinuturing itong mabuting balita. Mabibigyang-pansin daw ng pinakamataas na lider ng bansa ang mga hamong kinakaharap ng sektor. May mga samahan namang katulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (o KMP) na nagsasabing hindi akma si President-elect Marcos, Jr. sa posisyon. Wala raw siyang karanasan o kaalaman sa agrikultura. Dagdag pa ng KMP, wala man lang daw panukalang batas na may kaugnayan sa agrikultura si President-elect Marcos, Jr. noong kongresista pa siya.

Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahang ang pangunahing pundasyon ng pulitika at pamamahala ay ang pagtataguyod sa dignidad ng tao. Naniniwala ang Simbahang umiiral ang pulitika at mga istruktura ng pamamahala upang palaguin at paunlarin ang bawat miyembro ng lipunan, mabigyan ng pagkakataon para sa pakikilahok ang lahat, at makamit ang kabutihang panlahat o common good.

Dahil rito, kailangang masigurong ang bawat posisyon sa pamahalaan ay hinahawakan ng mga taong may kakayahan, kaalaman, at tunay na paninindigang itaguyod ang dignidad ng sektor na kanilang paglilingkuran. Matagal nang nagdurusa sa kahirapan ang mga kababayan nating magsasaka at mangingisda, kaya maituturing na mabigat na hamon para sa sinumang magiging kalihim ng DA na mapaunlad ang sektor. Hindi lamang ito tungkol sa pagpapabango ng pangalan o pagsusulong ng mga pansariling interes. Ang kapangyarihang taglay ng mga nasa pamahalaan ay nagmumula sa taumbayan. Ito ay kapangyarihang nakaugat sa layuning isulong ang interes ng lahat, lalo na ng mga naisasantabi katulad ng mga magsasaka at mangingisda.

Mga Kapanalig, tulad ng panawagan ng Filipos 2:3: “Huwag ninyong gawin ang anuman dahil sa pansariling hangarin o dahil sa kayabangan. Sa halip, magpakumbaba kayo at ituring ang iba na mas mahalaga kaysa inyong sarili.” Hangad nating gawing tunay na prayoridad ni incoming agriculture secretary President-elect Marcos, Jr. ang buhay at kaunlaran ng mga naghihirap sa sektor ng agrikultura.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,403 total views

 6,403 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,939 total views

 13,939 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,925 total views

 29,925 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,970 total views

 37,970 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,050 total views

 43,050 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,404 total views

 6,404 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,940 total views

 13,940 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,926 total views

 29,926 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,971 total views

 37,971 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,051 total views

 43,051 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,387 total views

 43,387 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,173 total views

 45,173 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,098 total views

 42,098 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,412 total views

 56,412 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,102 total views

 60,102 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,705 total views

 58,705 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,692 total views

 68,692 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,660 total views

 72,660 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,547 total views

 83,547 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,986 total views

 95,986 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top