Bishop Pabillo, nanawagan sa pamahalaan na ipamahagi ang pangakong lupa sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Ipamahagi sa mga magsasaka ang ipinangakong lupa at sundin ang batas sa ilalim ng Agrarian Reform.

Ito ang paninindigan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo para sa mga magsasaka ng Barangay Sumalo, Hermosa Bataan.

“Palaging sinasabi ng simbahan na ang kayamanan, kayamanan ng lupa ay kayamanan ng lahat. Ang mga maliliit na farmers ay may karapatan at may batas tayo diyan, may karapatan sila sa lupa at hindi lang sila pinangakuan ay naayon sa batas ang agrarian reform,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Ginawa ni Bishop Pabillo ang apela upang matigil na ang kaguluhan sa lugar kung saan isa sa mga magsasaka ang napatay matapos akusahan ng trespassing ng kumpanya.

Patuloy ang panawagan ng ‘Samahan ng mga Nagkakaisang Mamamayan ng Barangay Sumalo o SANAMABASU’ sa pamahalaan at Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi na ang mga ipinangakong lupa na inaangkin ng kompanyang Riverforest Development Corporation (RDC).

Nabatid mula sa SANAMABASU farmers na taong 1970 ng magsimula ang pang-aangkin ng RDC sa mga lupang sakahan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na kailangang manindigan ang bagong pamahalaan para sa maliliit na magsasaka na siyang layunin ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform (CARPER) o Republic Act 9700 upang matigil na ang mga kaguluhan sa kanayunan.

“Ang pamahalaan lalung-lalu na ang bagong pamahalaan ay manindigan para sa maliliit na bigyan ng katapusan itong land reform na matagal programa ng gobyerno. Ito yung dahilan ng maraming gulo sa kanayunan dahil sa hindi makatarungan o hindi nabibigyan ng hustisya ang mga tao,” paninidigan ng Obispo para sa mga magsasaka ng SANAMABASU.

Sa kasalukuyan sa kabila ng kautusan ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz na agad isagawa ang ‘Land Acquisition and Distribution’ sa lugar ay pinagbabawalang makapasok ng mga armadong guwardiya ng RDC ang sinuman sa lupain sa Barangay Hermosa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 80,748 total reads

 80,748 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,222 total reads

 115,222 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,522 total reads

 150,522 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,791 total reads

 376,791 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,855 total reads

 265,855 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top