BNPP, banta sa kalikasan at buhay ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Binigyang-diin ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi na dapat ituloy ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon sa Obispo, matagal nang binabalak ng pamahalaan na buhayin ang planta ngunit hindi pa rin natutuloy magpahanggang ngayon dahil sa kaakibat na panganib na makakaapekto sa kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Inihalimbawa ni Bishop Ongtioco ang naganap na trahedya sa Japan noong 2011 matapos ang malakas na lindol na nakapinsala sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.

Sinabi ng Obispo na ito ang nagbunsod sa Japan upang isara na ang iba pang nuclear power plant dahil sa takot na muling maulit ang insidente at magdulot ng panganib sa buhay ng mga tao.

“Noon pa lang hindi na pinapayagan ‘yang Bataan Nuclear Power Plant dahil nga delikado. Tulad nung nangyari sa Japan na paglindol. Nasira ‘yung nuclear power plant doon at nag-iwan ng malalang panganib sa environment at kalusugan ng mga tao doon,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang tinutulan ng Agham – Advocates of Science and Technology for the People ang pahayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malulutas ng BNPP ang krisis sa enerhiya ng bansa at magbibigay daan para mapabilis ang industriyalisasyon.

Iginiit ng Agham na sa kabila ng panukalang buhayin ang BNPP ay patuloy namang itinatanggi ni Marcos Jr. ang katotohanan na ang planta ay luma at may sira na, mapanganib, at nagsilbing simula ng tiwaling gawain.

Sinabi rin ng professor emeritus ng University of Illinois, Chichago na si Filipino-American Geologist Kelvin Rodolfo na maaaring kaharapin ng BNPP ang malubhang panganib kapag sumabog ang Mount Natib sa Bataan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mount Natib ay isang dormant stratovolcano at itinuturing na aktibo.

Panawagan naman ni Bishop Ongtioco sa pamahalaan na bago tuluyang buhayin ang power plant ay dapat pag-isipan munang mabuti ang mga desisyon at isaalang-alang ang kaligtasan ng kalikasan at mamamayan tungo sa pag-unlad.

“Sana’y pag-isipang mabuti ng pamahalaan ang kanilang binabalak sa Bataan Nuclear Power Plant, at unahin nilang i-consider ang magiging kalagayan ng ating inang kalikasan at mga maaapektuhang mamamayan,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Ang BNPP ang pinakauna at nag-iisang nuclear power plant sa bansa na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon na naipatayo sa ilalim ng rehimeng Marcos ngunit hindi pa rin nagagamit hanggang ngayon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,892 total reads

 78,892 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,494 total reads

 113,494 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,794 total reads

 148,794 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,063 total reads

 375,063 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,207 total reads

 264,207 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,147 total reads

 155,147 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top