HAPAG-ASA, tiniyak ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda

 611 total views

Hinimok ng HAPAG-ASA Integrated Nutrition Program ang bawat Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na produkto sa agrikultura upang matulungang mapaunlad ang pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Ito ang panawagan ni Dennis Destacamento – Program officer ng HAPAG-ASA sa paggunita ngayong buong buwan ng Mayo ng National Farmers and Fisherfolks Month.

Pinapasalamatan naman ni Destacamento ang mga magsasaka at mangingisda sa patuloy na pagbibigay ng masustansiyang pagkain sa mamamayan.

“Mula sa HAPAG-ASA ng Assisi Development Foundation Incorporated, lubos po ang pasasalamat sa lahat ng magsasaka at mangngisda sa ating bansa na patuloy na nagsusumikap upang mabigyang tayo ng sapat na lakas at masustansyang pagkain sa araw-araw,” pahayag ni Destacamento sa Radio Veritas.

Tiniyak ng opisyal ang patuloy na suporta sa mga anak ng magsasaka at mangingisda na kabilang sa kanilang mga proyekto sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.

Ayon sa 2021 data ng Philippine Statistics Authority, aabot sa 30-porsiyento ang poverty incidence na naranasan ng mga magsasaka habang 30.6-percent naman sa mga mangingisda.

Tema ng National Farmers and Fisherfolks Month ang “Magsasaka’t Mangingisdang Pilipino, Saludo ang buong Bansa sa Sipag, Tibay at Lakas niyo,”.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox