Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

SHARE THE TRUTH

 30,870 total views

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection.

Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang medium plastic at 10 maliliit na plastic na may lamang puting crystalline substances na nakumpirmang shabu sa isinagawang chemical laboratory.

Nahuli naman ang dalawang lalaki na tumanggap ng package sa isinagawang controlled delivery operation.

Tiniyak ni BOC District Collector Atty. Elvira Cruz na patuloy na paiigtingin ng tanggapan ang operasyon sa mga iligal na kontrabando na tatangkaing ipasok sa bansa alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Naunang naharang ng BOC-Port of Clark ang isang package na naglalaman ng 1.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P12.47 milyon.

Idineklarang laruan ang laman ng package na galing sa California, USA.

Nahuli ang 42-anyos na lalaki na tumanggap ng package sa isinagawang operasyon sa Mandaluyong City.

Kamakailan ay nadiskubre ng BOC ang P19 milyong halaga ng shabu sa isang inabandonang bag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Bukod sa mga tools at personal na gamit, nakita sa loob ng bag ang 2.846 kilo ng shabu.

Ang bag ay iniwan ng isang Ugandian na hindi pinayagang makapasok sa Pilipinas noong Disyembre 2022.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,093 total views

 15,093 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,053 total views

 29,053 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,205 total views

 46,205 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,462 total views

 96,462 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,382 total views

 112,382 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 10,841 total views

 10,841 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 85,321 total views

 85,321 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top