PNP nagpapasalamat sa tiwala ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,196 total views

Ikinagalak ng Philippine National Police ang resulta ng OCTA Research Survey hinggil sa serbisyo ng ahensya.

Lumabas sa Masa Survey, 80-porsiyento ng mga Filipino ang nagtitiwala habang 79-porsyento naman ang kontento sa pagtupad ng PNP sa tungkuling pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Police Brigadier General Rederico Maranan, patunay ito na hindi natitinag ang dedikasyon ng bawat miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kabila ng mga usaping nakakaapekto sa hanay.

“This is also a testament that despite some issues hounding the PNP, majority of the people are still appreciating the everyday sacrifices of every police officer patrolling in every corner of the streets, investigating crimes, conducting operations against criminals and assisting those who are in need,” pahayag ni Maranan.

Nakasaad din sa survey na kinikilala ng 41-porsyento ng mga Filipino ang pagpapabuti ng PNP sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan, habang 41-porsyento rin ang naniniwalang naging maayos ang pagtugon ng ahensya sa kriminalidad.

Tiniyak naman ng PNP na bibigyang-pansin at tutugunan ang mga anomalyang kinasasangkutan ng ilang kasapi ng ahensya.

Nagpapasalamat naman ang PNP sa patuloy na pagtitiwala ng publiko, gayundin sa OCTA Research, at nangakong mas pagbubutihan pa ang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan tungo sa kapayapaan.

“We value the feedback provided by the survey, and it serves as a reminder of our responsibility to uphold the highest standards of professionalism, and integrity. We remain steadfast in our commitment to improving our performance and working towards a safer and more secure Philippines,” ayon sa PNP.

Suportado naman ng simbahan ang inisyatibo ng PNP na Revitalized KASIMBAYANAN Program na layong paigitingin ang ugnayan sa pagitan ng Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan tungo sa maayos at mapayapang pamamahala sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,914 total views

 62,914 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,783 total views

 58,783 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,985 total views

 94,985 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,146 total views

 103,146 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,218 total views

 127,218 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top