171,132 total views

Mga Kapanalig, dahil sa walang tigil na pag-ulan, gumuho ang bahagi ng Mt Diwata na nakapaloob sa mga bayan ng Monkayo at Maragusan sa probinsya ng Davao de Oro. Dalawang linggo na ang nakararaan nang matabunan nang buhay ang hindi bababa sa sampung katao sa mga lugar na iyon. Limang bata ang kabilang sa mga nasawi.

Kilala ang Mt Diwata, na tinatawag ding Diwalwal ng mga tagaroon, na isang mining area. Ginto ang pangunahing minerál na matatagpuan sa bundok kaya naman tinagurian itong “golden mountain”. Pinaniniwalaang isa ang Mt Diwata sa mga may pinakamalaking deposito ng ginto sa buong mundo. Pagmimina at pagpoproseso ng ginto ang pangunahing kabuhayan ng mga kababayan natin doon. Tinatawag silang small-scale miners. Dala ng matinding kahirapan sa lugar, hindi na alintana ng mga tao roon ang panganib ng pagguho ng lupa o landslide. Batid na ng mga pamilya at ng lokal na pamahalaang landslide ang susunod na mangyayari kapag tuluy-tuloy ang ulan. Maraming buhay na nga ang nawala dahil sa mga pagguhong ito.

Maliban sa panganib sa buhay na dala ng landslide, pinsala rin sa kalikasan ang dulot ng unregulated na gold processing sa Mt Diwata. Ang ilegal at delikadong paraan ng pagmimina ng ginto ay nagdulot na ng polusyon sa tubig. Gumagamit kasi ang mga nagmimina ng mercury at cyanide upang palitawin at ihiwalay ang ginto mula sa lupa at bato. Lason sa tubig ang mga kemikal na ito. 

Upang mabawasan ang panganib na dala ng mercury at cyanide, nagpatayo noong 2015 ang Department of Science and Technology (o DOST) sa Davao de Oro ng isang mineral processing plant. Doon dinadala ng mga tao ang kanilang namina para maiproseso nang maayos at ligtas. Ayon pa sa DOST, mas malaki raw ang kinikita ng mga small-scale miners na gumagamit ng ipinatayo nitong mineral processing plant.

Gayunman, hindi pa rin lubusang nahihinto ang mga small-scale mining operations sa Mt Diwata. Henerasyon na nga ng mga pamilya roon ang umaasa sa pagmimina para sa kanilang kabuhayan. Marami pa rin ang tila handang isugal ang kanilang buhay kapalit ng ginto. Mukhang hiráp ang gobyernong mag-alok ng alternatibong kabuhayan sa mga taga-Diwalwal. Noong Oktubre, sinabi pa nga ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) na gagawin nitong pormal ang small-scale mining. Dapat nang magparehistro ang mga small-scale miners para daw mas maproteksyunan ang mga nagmimina. Maiiwasan din daw ang paglabag nila sa mga batas pangkalikasan.

Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina? Maliit man o malaki ang mga mining operations, malinaw ang masamang epekto ng pagmimina sa kalusugan at kaligtasan ng tao. Hindi na rin maibabalik ang nasirang kalikasan na resulta ng mga paghuhukay at paggamit ng kemikal sa pagpoproseso ng mga tipak ng lupa at bato. Sa maraming minahan, hindi na nakikita ang lupa, kabundukan, at tubig na, sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, parang masuyong yakap ng Diyos. 

Totoong malaking hamon ang hikayatin ang mga taga-Diwalwal na iwan ang pagmimina lalo na’t hindi marahil malaki ang kikitain nila sa ibang kabuhayan katulad ng pagtatanim. Bihira din sa kanila ang may sapat na pinag-aralan upang makapagtrabaho o magsimula ng negosyong hindi mapanganib at hindi nakapipinsala sa kalikasan. Siguradong may mga nananamantala rin sa kanilang kahirapan. Gayunman, kung higit sa ginto ang halaga para sa atin ng buhay ng tao at ng ating kalikasan, hindi imposibleng ihinto ang pagmimina.

Mga Kapanalig, “sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito,” wika nga sa Isaias 24:5. Huwag na nating hayaang dumami pa ang magdusa dahil sa kasamaang ginagawa natin sa kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,478 total views

 75,478 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,124 total views

 87,124 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,371 total views

 96,371 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,168 total views

 102,168 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,556 total views

 114,556 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,479 total views

 75,479 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 87,125 total views

 87,125 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,372 total views

 96,372 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,169 total views

 102,169 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,557 total views

 114,557 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,742 total views

 64,742 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,953 total views

 99,953 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,788 total views

 145,788 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,806 total views

 146,806 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,572 total views

 120,572 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,631 total views

 117,631 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,673 total views

 118,673 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,102 total views

 123,102 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,302 total views

 137,302 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,755 total views

 147,755 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top