Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit sa pagbibigay ng pera

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Mga Kapanalig, isang magandang balita. Noong isang linggo, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11310 na ginagawang permanenteng anti-poverty program ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala bilang 4Ps.

Sa pamamahala ng DSWD, katuwang ang ilan pang ahensya katulad ng DOH, DepEd, at TESDA, ipinatutupad ng pamahalaan ang 4Ps upang tulungang umangat ang buhay ng mahihirap sa pamamagitan ng direktang pagbibigay ng tulong-pinansyal. Ngunit ang perang ibinibigay sa kanila buwan-buwan ay may kaakibat na mga kundisyon, katulad ng pagtiyak na araw-araw pumapasok sa paaralan ang mga bata, ng regular na pagpapa-check-up ng mga buntis at pagpapabakuna sa mga anak, at ng pagdalo sa mga tinatawag na family development sessions na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng mga mag-asawa. Dapat nating maunawaang hindi sinusulosyunan ng 4Ps ang kahirapan; sinusubukan nitong ihinto ang tinatawag na intergenerational poverty o kahirapang naipapasa sa mga anak sa pamamagitan ng pagtiyak na nakapag-aaral sila at maayos ang kanilang kalusugan.

Hango sa mga conditional cash transfer o CCT programs sa mga bansa sa Latin Amerika at Africa, ang 4Ps ay sinimulan ng administrayong Arroyo at ipinagpatuloy naman ng sumunod sa kanyang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Ayon sa DSWD, mula noong simulan ang 4Ps noong 2008 hanggang nitong nakaraang Pebrero, halos 5 milyong pamilya na ang natulungan ng programang ito.

Maituturing ang pagsasabatas ng 4Ps Act na isang paraan ng pagtataguyod ng katarungang panlipunang malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas. Sa paglalaan ng sapat na pondo sa programa (na sana ay matapatan ng epektibo at maayos na pagpapatupad nito), nabibigyang-proteksyon at napauunlad ng ayudang ito mula sa pamahalaan ang dignidad bilang tao ng mga kababayan nating hikahos sa buhay. Nabibigyan sila ng pagkakataong makinabang sa mga serbisyo ng pamahalaan, at sa ganitong paraan, naiibsan kahit papaano ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa ating lipunan. Sa pagtiyak na hindi na maipapasa sa mga susunod na henerasyon ang karukhaan ng kanilang pamilya dahil namumuhunan ang pamahalaan sa kalusugan at edukasyon ng mga bata, unti-unti nating makakamit ang kabutihang panlahat o common good.

Ang magagandang layunin ng 4Ps ay sang-ayon sa mga panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika. Simula pa noong inilabas ang itinuturing na kauna-unahang social encyclical na Rerum Novarum, ang mga kapos sa buhay ang binibigyang-tinig ng Simbahan upang tulungan sila at maipagtanggol mula sa mapang-abuso at paulit-ulit na sistema ng kahirapan. Gayunman, kailangan pa rin nating tutukan ang implementasyon ng isang bagong batas na ang pangunahing layunin ay makaabot sa mga higit na nangangailangan ang mga pangunahing serbisyong karapat-dapat lamang nilang mapakinabangan upang makaahon sa kahirapan.

Una sa lahat, kailangang matiyak na makatarungan at wasto ang sistema ng pagpili ng mga kabilang sa 4Ps. May mga pumupuna kasing naisasali sa programa ang mga hindi naman daw talagang nangangailangan, habang ang mga karapat-dapat na mapabilang ay hindi naaabot ng programa.

Ikalawa, kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon nito upang makamit ng mga benepisyaryo ang maayos na kalusugan at de-kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak. Ngayong permanente na ang 4Ps, wala nang dahilan upang hindi matustusan ang programa.

Panghuli, dapat nakapaloob sa pagpapatupad ng programa ang pagsubaybay sa epekto ng programa—positibo man o negatibo—sa mga pamilya. Mahalaga ito hindi lamang upang matiyak na may pinatutunguhan ang milyun-milyong pondo ng programa kundi upang matulungan ang mga kababayan nating mapalago ang mga positibong bunga ng programa at maiwasan ang mga bagay na maglilihis sa kanila sa layunin ng 4Ps.

Mga Kapanalig, kasama ng pamahalaan ang Simbahan sa pagkamit ng mga mabubuting layunin ng 4Ps at sa pagbabantay sa pagpapatupad nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,433 total views

 9,433 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,914 total views

 16,914 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,054 total views

 30,054 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,027 total views

 36,027 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,781 total views

 41,781 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,434 total views

 9,434 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,915 total views

 16,915 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,055 total views

 30,055 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,028 total views

 36,028 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,782 total views

 41,782 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,753 total views

 40,753 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,837 total views

 41,837 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,218 total views

 37,218 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,222 total views

 49,222 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,264 total views

 57,264 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,821 total views

 48,821 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,246 total views

 47,246 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,032 total views

 49,032 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,957 total views

 45,957 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,271 total views

 60,271 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top