Hindi inosente si Napoles, para gawing state witness -Fr. Aquino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Hindi akmang gawing isang state-witness ang tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim-Napoles.
Ito ang binigyang diin ni Fr. Ranhilio Aquino ng San Beda College Graduate School of Law kaugnay sa ilang panukalang gawing state witness si Napoles sa mga kasong may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund o PDAF Scam.

Paliwanag ni Fr. Aquino, may dalawang basehan upang maging isang state-witness ang isang akusado partikular na kung ang kanyang testimonya ay lubos na mahalaga at kakailanganin sa kaso at kung wala rin itong kasalanan o kinalaman sa nasabing kaso.

Sa ganitong konteksto ayon sa Pari, nakapagdududa ang pagsasaalang-alang na gawing testigo si Napoles, lalo’t mayroong sapat na batayan sa nagdaang mga pagliltis upang agad na maipakulong ang sina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon ‘Bong’ Revilla at Jinggoy Estrada.

“The requirements for being a state witness are 1, her testimony is indispensable na talagang kinakailangan na magtestigo sya, ikalawa that she does not appear to be the most guilty. In respect to the first requirement, ako ay nagtataka kung bakit pinag-iisipan ngayon kung siya ay magiging state-witness kasi nung finile palang ang kasong ito ay sinasabi na ng Ombudsman na malakas ang kanyang ebidensya so kung malakas ang kanyang ebidensya at pinakulong nga ang tatlong Senados, bakit ngayon na sinasabi na nangangailangan ng state-witness if they will say that, they are admitting that they don’t have enough evidence on hand kaya nga pinapa-discharge sila ang isang akusado at nang ito ay maging state-witness…” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Aquino.

Binigyang diin din ni Fr. Aquino na hindi inosente si Napoles sa PDAF scam sa halip ay siya pa ngang naghimok at pasimuno sa katiwalian sa kaban ng bayan.

“As regards to the second she does not appeared to be the most guilty, I also have my problem with that because number 1 you could characterized Mrs. Napoles as a principal by inducement, she may not been the receiver of the bribes, she may not be the receiver of the money but she certainly induce them because she also profited from it. So if she is that high in the order of culpability how can you say that she does not appear to the most guilty…” dagdag pa ni Fr. Aquino.

Matapos ang naging desisyon ng Court of Appeals 12th division sa pagpapawalang sala kay Napoles sa kasong Serious Illegal Detention ay ilang mga panukala rin ang lumabas kaugnay sa pagging state witness ni Napoles sa mga kasong may kinalaman sa PDAF Scam.

November 2013 nang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang PDAF nang mabunyag ng 10-bilyong pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ni Napoles, 5 Senador, 23-Kongresista at mga opisyal ng gabinete.
Sa inilabas na Pastoral Letter ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa PDAF Scam, sinasabing ang bawat isa ay may bahagi sa patuloy na katiwalian sa gobyerno, maging ang hindi pagsasalita o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan.

Nasasaad rin sa liham na nilagdaan ng mga Obispo noong 2013, kinakailangan ng bawat isa na magnilay, panatilihin ang kabutihan ng bawat isa, maging mapagmalasakit at iwaksi ang patuloy na pagkakasala.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 15,900 total reads

 15,900 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 16,166 total reads

 16,166 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 36,204 total reads

 36,204 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 157,920 total reads

 157,920 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 208,282 total reads

 208,282 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 335,340 total reads

 335,340 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 418,991 total reads

 418,991 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top