Suportahan ang Caritas Segunda Mana store -QC Vice Mayor Belmonte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 380 total reads

Hindi lang sa pamamagitan ng salapi maaaring makatulong ang tao.

Ito ang binigyang-diin ni dating Caritas Manila Communications Officer at ngayon ay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kaugnay sa pagpapasinaya ng ika-26 na Segunda Mana Charity Outlet sa Farmers Plaza Cubao.

Ayon kay Belmonte, maipapakita rin ng bawat isa ang pagtulong sa kapwa sa pagbabahagi ng mga personal na pag-aari o mga kasangkapan na hindi na ginagamit ngunit maaari pang pakinabangan.

“Hindi naman kailangan through cash lagi ang pagtulong natin sa kapwa, itong mga binibigay natin ay hindi naman natin kailangan so hindi naman tayo nasasaktan sa pagkawala ng mga gamit na ito sa mga bahay natin and yet sa ibang tao ang taas ng value nito sa buhay nila.” ang pahayag ni Vice Mayor Belmonte.

Ikinwento pa ng bise-alkalda na siya rin mismo ay suki ng mga ‘pre-loved items’ buhat noong siya ay estudyante pa lamang. “I myself, am a loyal customer of second hand shops.

“Noong ako ay estudyante lagi akong nagtitipid at lagi akong pumupunta sa mga second hand shops para sa mga kagamitan ko dahil napakaraming treasures na makikita d’yan na hindi mo makikita sa ibang mga tindahan,” dagdag pa nito.

Buo ang suporta ni Belmonte sa programa ng Caritas Manila at umaasa na mas marami pang Segunda Mana stores ang maitatayo sa lungsod sa darating na panahon na makatutulong sa pagpapaaral ng mahihirap na kabataan.

Bubuksan naman sa darating ng Hulyo ang ika-27 Segunda Mana Charity Outlet sa Fairview Terraces Shopping Mall, Quezon City.

Una nang ipinahayag ni Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual na nakikiisa ang Simbahan sa panawagan ni Pope Francis sa pagwawaksi ng kulturang patapon o “throw – away Culture.”
Read:

Ika-26 na Caritas Segunda Mana outlet sa Farmers, nagbukas na

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 62,257 total reads

 62,257 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 148,755 total reads

 148,755 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 191,790 total reads

 191,790 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 241,550 total reads

 241,550 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 399,746 total reads

 399,746 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 331,047 total reads

 331,047 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 437,132 total reads

 437,132 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top