Hindi kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan, paalala ni Cardinal Tagle sa mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,480 total views

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga Pilipino na manatiling nagkakaisa sa panalangin para sa kapayapaan at pagkakasundo ng bansa.

Sa misa sa Our Lady of the Assumption Parish sa Malate noong Setyembre 21, nanawagan si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na kumapit sa Panginoon upang matagpuan ang pag-asa at manaig ang kabutihan sa lipunan.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ang pagbabasbas sa bagong sacristy at carillon bells ng parokya.

“Ito ay araw ng pagtitipon sa pananalangin upang humingi ng lakas sa Diyos upang ang ating mga pinuno at tayong lahat ay maging mapagkakatiwalaang katiwala,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ang kanyang pagninilay ay nakabatay sa Ebanghelyo ni San Lukas (16:1–13) na tumatalakay sa wastong pagiging katiwala ng mga biyaya ng Diyos.

Ipinaalala rin niya sa mga pinuno ng bayan na ang yaman ng bansa ay hindi nila pag-aari.

“Sa ating mga leaders, hindi po kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan. Kayo ay katiwala lamang,” giit ng kardinal.

Kasabay ng misa, ginunita ng bansa ang ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar, na sinabayan ng malawakang kilos-protesta sa EDSA Shrine at People Power Monument upang ipanawagan ang katarungan at pananagutan ng mga tiwaling opisyal.

Para naman kay Fr. Hans Magdurulang, kura paroko ng Our Lady of the Assumption, napapanahon ang pagbabasbas ng mga bagong pasilidad.

“Sa gitna ng ingay ng mga hindi magagandang pangyayari sa ating bayan, dumating ang biyaya mula sa Diyos—ang sacristy kung saan inihahanda ang mga sakramento, at ang carillon bell, indeed the voice, the sound of God’s peace and justice na nag-aanyaya sa sambayanan tungo sa kapayapaan,” aniya.

Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng parokya para sa ika-75 anibersaryo ng dogma ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit, at paghahanda sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Fr. Magdurulang, nawa’y ang bawat Kristiyano ay isabuhay ang mensahe ng Mahal na Ina.

“Huwag nating sayangin ang pagkakataon ng buhay natin dito sa mundo. Magagawa pa nating itama ang mali at pagtulung-tulungan na gawing mabuti ang anumang masamang nangyayari sa ating bayan,” paalala ng pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,103 total views

 21,103 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,037 total views

 195,037 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,670 total views

 172,670 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,058 total views

 236,058 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,324 total views

 254,324 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top