Hindi maaring parusahan at ikulong ang mga tumatangging magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,837 total reads

Nanindigan ang grupong IDEALS o Initiative for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services na hindi maaaring ikulong o parusahan ang mamamayan na tatanggi sa pagpapabakuna.

Gayunman, naniniwala ang grupo na mahalaga na mabakunahan ang mamamayan upang matapos na ang suliranin sa pandemya na mahigit isang taon nang nagpapahirap sa bansa at sa buong mundo.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Atty. Dondi Justiani ng Ideals Inc., sinabi nito na mayroon tayong karapatan upang tumanggi sa programa na magpabakuna at hindi ito maaring ipilit sa tumatangging mamamayan.

“Nililinaw naman ng gobyerno hindi bawal tumanggi kung ayaw mo ultimately desisyon mo pa din yan although highly encourage of course na magpa vaccinate pero kung ayaw mo talaga hindi ka pwedeng pilitin ng goibyerno pero kung pwede lang sana magpa vaccinate at dahil ang effect nun kung mas marami ma vaccinate mas mabilis matatapos ang pandemic” paliwanag ni Atty. Justiani.

Iginiit din ni Atty. Justiani na hindi maaring maging basis sa pagkakatanggal ng isang empleyado kung siya ay hindi magpapabakuna.

Matatandaang sa kasalukuyan ay binabakunahan na ang mga napapabilang sa A4 Category kung saan napapabilang ang mga mamamayan na kinakailangan lumabas ng trabaho para sa kanilang hanapbuhay.

Kaugnay nito, hinikayat ng IDEALS ang publiko na alamin ang kanilang mga karapatan sa kalusugan.

Aminado si Atty. Justiani na sa kasalukuyan ay kulang pa din ang impormasyon na naibabahagi kaugnay sa mga nasabing karapatan dahilan upang hindi ito mapakinabanggan ng publiko lalo na ng mga mahihirap.

“Maraming programs sa government iba-iba yan una yun individual based ikalawa yun population based gaya ng immunization program yun naman ay makukuha sa mga program ng DOH along with the health benefits and packages na makukuha sa Philhealth. ang DOH ay minamandato din ng batas na i- improve yun health services so they have to come up to different programs.”dagdag pa ng abugado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,392 total reads

 38,392 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,139 total reads

 74,139 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,409 total reads

 300,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,877 total reads

 193,877 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,842 total reads

 285,842 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,037 total reads

 111,037 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top