Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi na kailangan ang narco list

SHARE THE TRUTH

 150 total views

Mga Kapanalig, kasama po ba ang kasalukuyang kapitan o kagawad ng inyong barangay sa inilabas na narco list noong isang linggo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA?

Ilang araw bago ang barangay elections ngayong Lunes, isinapubliko ng PDEA ang pangalan ng 207 kapitan at kagawad na di-umano’y sangkot sa iligal na droga. Nanindigan ang direktor ng PDEA na tama at totoo ang impormasyong inilabas ng kanyang opisina, at may mga ebidensiya raw sila upang patunayan ang pagkakasangkot ng mga nasa listahan. Bineripika pa nga raw ang listahan ng iba’t ibang ahensya katulad ng PNP.

Hindi pa rin napigilan ang ilang kuwestyunin ang listahan. Halimbawa, isang taon nang pumanaw ang isang kagawad sa listahan. May ilan sa listahang umalma dahil sila nga raw mismo ang nangunguna sa kampanya kontra droga sa kanilang barangay. Para sa Commission on Human Rights, nagsampa dapat muna ng kaso ang PDEA bago inilabas ang mga pangalan bilang pagkilala sa karapatan ng mga inaakusahan sa due process at presumption of innocence. Handa naman daw ang PDEA na magsampa ng mga kaso laban sa mga nasa listahan, ngunit minabuti raw nitong isapubliko ang mga pangalan upang gabayan ang mga botante na huwag nang muling iluklok sa darating na eleksyon ang mga di-umano’y sangkot sa droga.

Hindi na nga dapat muling mailagay sa puwesto ang mga opisyal na totoong sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga. Makatutulong ding malaman at makilala ng mga botante kung sinu-sino sa mga namumuno ng kanilang barangay ang sangkot sa ilegal na gawain. Ngunit hindi sapat na dahilan ang mga ito upang balewalain ang tama at patas na proseso ng paghahanap at paglalantad ng katotohanan.

May ilang seryosong implikasyon ang ginawang ito ng PDEA.

Una, paano kung lumabas na kulang o wala palang ebidensya upang makasuhan ang mga sinasabing narco-politicians? Sa pagkakasama ng kanilang pangalan sa narco list, nadungisan na ang kanilang integridad at napahiya pa ang kanilang pamilya.

Pangalawa, paano kung nahaluan ng pulitika ang paglilista ng mga pangalan, lalo pa’t panahon ngayon ng eleksyon? Hindi po sa minamaliit natin ang kakayahan ng PDEA na mag-imbestiga, ngunit isaalang-alang natin ang kasalukuyang konteksto.

Panghuli, matatapos ba ang problema natin sa ilegal na droga sa pagsasapubliko ng mga pangalan? Malaking hakbang kung malilinis natin ang mga barangay sa pag-uumpisa mismo sa mga opisyal natin, ngunit dapat nating gamitin ang ating mga batas at prosesong pangkatarungan upang mapanagot ang mga mapatutunayang sangkot sa droga.
Gayunman, hindi tayo aabot sa pagpapahiya ng mga taong hindi pa napatutunayang sangkot sa droga kung tayo mismong mga botante ay naging mapanuri sa mga taong iniluklok natin sa pamahalaan. (At hindi lamang po sa ating barangay makikita ang pagkukulang na ito kundi pati sa mga iniluluklok natin sa pambansang posisyon.)

Sabi nga sa panlipunang turo ng Simbahan, epektibong pamamaraan ng social control ang halalan; ibig sabihin, nasa kamay nating mga botante ang kapangyarihang papanagutin ang mga naglilingkod sa bayan, at kung hindi natin nakikitang karapat-dapat ang mga lider natin—dahil gumagawa sila ng mali—maaari natin silang palitan gamit ang ating balota. Nakalulungkot nga lamang na nangingibabaw pa rin sa ating political culture o kultura ng pulitika ang pagkapit ng marami sa mga padrino at pagtanaw ng utang na loob sa mga lider, kahit pa sangkot ang mga ito sa maling gawain.

Mga Kapanalig, sintomas ang paglalabas ng isang narco list ng maraming mali sa ating kulturang pampulitika. May mali sa mga ahensyang hindi sumusunod sa proseso, may mali sa ating mga pumipili ng mga tiwaling lider. Sa Lunes, may pagkakataon tayong baguhin ito sa ating mga barangay nang sa gayon, hindi na natin kailangan ang isang narco list.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,272 total views

 2,272 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,245 total views

 8,245 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,000 total views

 14,000 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,263 total views

 21,263 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,248 total views

 29,248 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,273 total views

 2,273 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,246 total views

 8,246 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,001 total views

 14,001 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,264 total views

 21,264 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,249 total views

 29,249 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,172 total views

 35,172 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,176 total views

 47,176 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,218 total views

 55,218 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,775 total views

 46,775 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,200 total views

 45,200 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,986 total views

 46,986 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,911 total views

 43,911 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,225 total views

 58,225 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,915 total views

 61,915 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,518 total views

 60,518 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top