Ipagpatuloy ang adbokasiya bilang pari kaakibat ng pag-iingat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Ito ang mensahe ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg sa mga pari ng Arkidiyosesis kasunod ng pagkakapaslang kay Fr. Mark Ventura.

Ayon sa Arsobispo, bagama’t hindi pa napapatunayan na may kaugnayan sa adbokasiya ang dahilan ng pagpaslang sa pari ay dapat na mag-ingat ang lahat.

“Well, mag-ingat. Of course ‘wag ihihinto kung anuman ang bokasyon natin basta for the good of the poor specially the marginalized, indigenous people, the environment they should not stop doing what is right,” ayon kay Archbishop Utleg sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ay naglabas na ng cartographic sketch ang pulisya sa bumaril kay Fr. Mark subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin.

Nagpapasalamat din si Archbishop Utleg sa pulisya at umaasa sa agarang pagkamit ng katarungan sa pagkamatay ni Fr. Mark.

Ang 37 taong gulang na si Fr. Ventura ay binaril at napatay ng ‘riding in tandem’ matapos ang kaniyang misa sa gymnasium sa Barangay Piña Weste Gattaran, Cagayan noong April 29, linggo ng umaga.

Ang batang pari ay nakatalaga sa San Isidro Labrador Station sa Mabuno sa bayan ng Gattaran at kilalang nagsusulong ng mga karapatan ng mga katutubo, pangangalaga sa kalikasan at tamang pamamahala.

Una na ring nag-alok ng P300,000 reward ang pamilya ni Fr. Mark para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa sinumang may kagagawan ng pagpaslang.

Si Fr. Mark ay ikalawa na sa mga pari na napaslang ngayong taon, kabilang na si Fr. Tito Paez mula naman sa Diocese ng San Jose Nueva Ecija na kilala namang nagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

Una na ring kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pagpaslang at hiniling ang mabilis na pagkamit ng katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,913 total reads

 86,913 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,725 total reads

 120,725 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,024 total reads

 156,024 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 382,294 total reads

 382,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,121 total reads

 271,121 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,077 total reads

 13,077 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top