Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi NPA ang mga gurong Lumad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total views

Ito ang binigyang-diin ni Center for Lumad Advocacy Networking and Service Incorporated o CLANS Executive Director Geming Alonzo kaugnay sa mga akusasyon na idinidikit sa tribu.

Ayon kay Alonzo, totoong serbisyong pang-edukasyon para sa mga kabataang Lumad ang tanging nais ng mga katulad niyang guro at hindi ang titulong ibinabato sa kanila ng mga tao na tulad ng ‘leftist’ o rebelde.

“Itigil na nila ang pangha-harass sa aming mga guro, itigil na nila ang paggagawa ng mga trumped-up charges dahil serbisyo ang ibinibigay ng aming mga guro at hindi yung iniisip ng mga malisyoso nilang pag-iisip na kami ay mga guro ng NPA (New People’s Army} dahil kami ay mga guro na nagbibigay ng boluntrayong serbisyo,” panawagan ni Alonzo sa panayam ng Radio Veritas.
Inihayag din ni Alonzo na matindi ang pinsalang naidulot ng Martial Law sa mga estudyanteng Lumad kung saan ang mga paaralan na dapat sana’y lugar ng kapayapaan ay nagiging sentro na ngayon ng takot at panganib para sa mga mag-aaral.

“Ang school ay zone of peace, kung may military doon na armado siyempre unang-una matatakot yung mga bata. Itigil na ang Martial Law kasi malaki na ang epekto niya sa mga bata at Lumad communities” pahayag ni Alonzo.

Iginiit ni Alonzo na mga inosenteng estudyante ang pangunahing naaapektuhan ng batas militar dahil karaniwang ginagawang kampo ng mga sundalo ang mga silid aralan na kasamang binobomba at sinusunog ng mga kaaway.

Dahil sa militarisasyon, sa kabuuan ay umabot sa 87 ang paaralang Lumad sa buong Mindanao ang hindi na napapakinabangan kung saan 4,736 libong mga estudyante ang hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral at 230 volunteer teachers ang apektado sa nagaganap na bakbakan.

Magugunitang ika-23 ng Mayo 2017 nang ideklara ng pamahalaan ang pagsisimula ng Martial Law sa rehiyon ng Mindanao dahil sa nangyayaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City na magtatagal hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Kasabay ng pagpapahalaga sa edukasyon, una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagpapanatili ng seguridad at proteksyon sa lipunan ang dapat bigyang-pansin ng mga lider ng bawat bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 35,510 total views

 35,510 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 81,233 total views

 81,233 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 83,443 total views

 83,443 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 155,538 total views

 155,538 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 165,575 total views

 165,575 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 95,789 total views

 95,789 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 279,746 total views

 279,746 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top