Hindi pagsasayang ng pagkain, isang hakbang para makatulong sa kagutuman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,335 total views

Pagpapahalaga at hindi pagsasayang ng pagkain sa hapag ang isang paraan upang makatulong sa problema ng kakulangan sa supply ng pagkain.

Ito ang panawagan ni Finda Lacanlalay – Executive Director ng Hapag-asa Feeding Program ng Assisi Development Foundation at Pondo ng Pinoy ng Archdiocese of Manila kaugnay sa naging pahayag at pagbibigay pansin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang talumpati bilang Pangulo ng Caritas Internationalis sa United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) sa problema ng kakulangan ng pagkain sa mundo.

Pagbabahagi ni Lacanlalay, sa dami ng mga nagugutom sa mundo nararapat lamang na maging disiplinado ang bawat isa sa bawat butil ng pagkaing pinaghihirapan at biyaya ng Panginoon sa sanlibutan.

“Sa atin na lang yung pagkain ng mga bata o nung pamilya na huwag kang magsayang, diba meron tayong ano na bawat butil na nasasayang, natatapon pag-pinagsamasama mo yun maraming pagkain yun, so bakit mo sasayangin samantalang ano yun eh, discipline yun ng tao, nating mga tao na huwag magsayang lalo na nang pagkaing pinaghirapan at talagang galing sa Diyos dahil marami ngang nagugutom eh..” Ang bahagi ng pahayag ni Lacanlalay sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon sa Philippine Rice Research Institute, nasa P6-Bilyon hanggang P8-Bilyon piso, ang halaga ng kanin na nasasayang kada taon, kung saan tinatayang bawat isang Pilipino ay may 3(tatlong) kutsarang kanin, na sinasayang na katumbas ng 3(tatlong) kilo kada taon.

Sa datos ng Caritas Internationalis, tinatayang 800 milyong katao sa buong mundo ang natutulog sa gabing gutom na dapat na tulungan at kalingain.

Maging ang Kanyang Kabanalan Francisco ay personal na ring nanawagan ng sama-samang paglaban sa nararanasang kagutuman sa maraming bansa.

Samantala, batay sa datos ng Global Hunger Index, pang 51 ang Pilipinas mula sa 117 mga bansa na may malubhang antas ng kagutuman noong taong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,218 total views

 21,218 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,232 total views

 71,232 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,101 total views

 67,101 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,007 total views

 103,007 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,500 total views

 110,500 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top