237 total views
Tinutulan ng National Council for Commuters Protection (NCCP) ang inihihirit ng mga Transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ibalik sa P7.50 ang pasahe sa jeep.
Ayon kay NCCP president Elvira Medina, hindi makatarungan ang hinihiling ng mga drivers dahil noong ipatupad ito P8 ang ibinabayad ng mga pasahero at hindi na halos ibinibigay ang 50 sentimos na sukli.
Iginiit pa ni Medina na sakaling ipatupad ang nais na pasahe ng mga tsuper ay magkaka – problema lamang sa panunukli kaya mainam na lang na maging P7 na lamang ito.
“Ang mangyayari niyan ay magkakaroon pa ng problema sa pagsukli dahil ‘yung singkwenta sentimos hindi naman talaga nasusunod. ‘Yung P7.50 hindi talaga nasunod ‘yun P8 pa rin ang sinisingil. Nagkakaroon ng disparity in other words aking solusyon diyan impel na natin para hindi naman kailangang magpetisyon sa pagtaas–pagbaba maya’t–maya ginagalaw mo ‘yung pasahe. Kung i-impel na natin sa P8 yung pasahe kaming commuters hindi namin mararamdaman man lang ‘yung change na ‘yan,” bahagi ng pahayag ni Medina sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na sa 15 milyong populasyon sa Metro Manila karamihan sa mga ito ay mga mananakay at manggagawa sa loob ng lunsod.
Batay sa turo Simbahang Katolika, kinakailangan isaalang –alang ang mga mahihirap sa anumang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan at maiangat ang kanilang dignidad.