247 total views
Labis ng nahahabag si Prelatura de Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang mga magsasaka na pangunahing nagdurusa sa kagutuman dahil sa kawalan ng suporta mula sa pamahalaan.
Aniya, hindi nabibigyan ng sapat ng pondo ang mga magniniyog sa Basilan at mga magbubukid sa buong bansa kaya naman napaparalisa ang mga ito sa pag–ani ng makakain at mapagkaka – kitaan.
Umaasa naman si Bishop Jumoad kay President–elect Rodrigo Duterte na mapagtutuunan ng pansin ang mga magsasaka sa kanayunan o rural areas na naapektuhan ng matinding tag – tuyot at taggutom.
“Ang gobyerno hindi nagbigay ng financial assistance to our farmers. I hope na bigyang pansin ng incoming president na kailangan talaga ang ating mga farmers, because without farmers we will die. Sabi nila backbone, pero pano na ‘yung backbone sa condition pag walang pagkain, anong klaseng backbone, maging osteoporosis yun. Ang backbone ng ating mga farmers so sana, sana walang financial assistance ang mga farmers dito sa Basilan at hindi po nabigyan pansin ang mga coconuts dito sa Basilan particularly Isabela City, Lantawan Municipality, patay na po. Ano ang maasahan sa mga farmers” ? Bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Nabatid na naitala noong 2015 ng Social Weather Station na 2.8 milyon o 12.7 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa second quarter ng taong ito.
Mas mababa ito sa 3 milyong pamilya at ito na ang pinakamababang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom mula 2005.
Sa panig ng Simbahang Katolika, iba’t-ibang feeding program, formation training at pagbibigay ng kabuhayan sa pamamagitan ng maliit na negosyo, pagpapaaral sa mga anak ng mga mahihirap at marami pang iba Ang tulong na ibinibigay nito.
Nauna na ring binanggit ni Caritas Internationalis president Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa United Nations Food and Agriculture Organizations sa Roma na 1.3 bilyong toneladang pagkain ang nabubulok kada taon bago ito maipakalat.