417 total views
Isang malaking responsibilidad ang pagtanggap sa buhay na isang malaking regalo mula sa Diyos.
Ito ang mensahe ni Balanga Bataan bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants a nd Itinerant People sa sinasbaing pagtaas sa 100.98 milyung populasyon ng bansa ngayong 2016.
Ayon kay Bishop Santos, ang buhay ay regalo ng Diyos at patunay ng kanyang kabutihan sa mundo at ang tao ay mahalaga at espesyal kung saan may responsibilidad ang nasyon at bawat isa na lingangin ito pangalagaan at isulong ang pamumuhay ng wagas at kasiya-siya .
“It is gift and responsibility. Life is God’s gift. It is His grace to the world. So life, whatever and whoever, is sacred, so precious, so special. Now it is our responsibility to nurture life, promote life and to live to fullest. All must respect life. And those in authority must provide ways and means, like education, jobs to make life stable, secured and successful.” Ayon kay Bishop Santos.
Samantala, sa datus ng Philippine Statistics Authority, ang pagtaas sa 1.72 porisyento ng populasyon ng tao o mula sa kabuuang 92.34 na milyung populasyon ay umabot na ito sa 100.98 milyun noog Agosto ng 2015.